Showing posts with label me. Show all posts
Showing posts with label me. Show all posts

Friday, February 13, 2009

My TV Appearance

0 comments



Working in a media company for almost 5 years (please don't compute my age bata pa ako)I enjoy the life na nasa likod ng camera to be honest I'm not that looking naman kasi, and I enjoy it kasi I can wear anything I want including my I am Ninoy Shirts and other statement shirts not to mention may PBB, Betty and Fear Factor that my company gave me. The images above was screen grabbed from TV Patrol World with Inah Reformina, Bong Osorio (the one I mention in my blog about the Takipsilim thing) and Nap my co-worker it was taken in Mandarin Hotel in Gateway last February 11. It's about the conference of TNS TVPanel launch dito sa Pilipinas. I personally met Gary de Ocampo and Gabriel Buluran both Pinoys working sa TNS and Philip Jones, Regional Director for TNS South East Asia.

It's not my first to appear on TV with my colleagues at work pero I'm not a fan of it mas enjoy ako working behind the camera and doing more of the dirty works.





Subscribe to Email Blast

Thursday, January 1, 2009

Blessed New Year to ALL!

0 comments


May 2009 be fruitful year for us, for our family, for our work and businesses and for our country. God Bless us ALL!





Subscribe to Email Blast






Tuesday, December 30, 2008

Si Rizal para sa akin...

0 comments

Para sa isang kagaya kong hindi bihasa pagdating sa usapin ng kasaysayan, nakilala ko si Jose P. Rizal sa apat na bagay na siyang naging parte ng buhay ko at nating lahat. Si Rizal ay araw araw natin nakikita sa bulsa at wallet ng bawat isa, sa PISO. Parte na ng buhay natin ang minsan ay namasyal tayo sa Luneta at nakita natin ang monumento ni Jose Rizal. Hindi mawawala sa mga requirements natin noong nag aaral pa tayo na kailangan magdala ng mga pictures ng mga bayani at isa sa laging kumukumpleto ng collection natin ay ang post card ni Rizal. At ang kulang ang curiculum natin sa paaralan kung hindi natin kinuha ang subject na Filipino na parte ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa mga dapat nating pag-aralan lalo na ang pag-aaral ng mismong buhay ni Rizal bilang isa sa mga basic units natin sa kolehiyo.

Marahil tatanungin nyo ako kung anong connect nito sa mas malaking celebration natin ng ika-112 Rizal Day ngayong December 30. Simple lang at ito ay ang pagiging parte ni Rizal sa buhay ng bawat isa sa atin, Ang Piso o peso ang sumisimbolo sa currency ng pera ng bansa na kung saan isa sa mga basehan ng Kalayaan ng isang bansa. Ang monumento ni Rizal sa Luneta, na siyang nagpapahiwatig na doon sa lugar na yun 112 years ang nakakalipas ay may isang tao, kasama nila Andres Bonifacio at iba pang mga bayaning naglakas ng loob na lumaban at mamatay para sa kalayaan ng bayan. Ang mga larawan o post card na nagpapaalaala na tulad ni Rizal ang pagpapahalaga sa pag-aaral. At ang huli ang mga nobelang iniwan niya kasama ang mga iba pang mga tula, kwento at sanaysay na kung saan ibinahagi niya ang buhay noon na maaaring nagyayari pa rin sa panahon ngayon ang pamamaraan niya sa pagmulat ng tayo na kahit 112 years na syang wala hindi pa rin natatapos ang pakikipaglaban niya kasama ang mga iba pang bayani iba't ibang uri ng paninikil sa kalayaan ng bayan at indibidwal na Filipino.

Dahil iba iba man ang titulo ni Rizal ang tanging titulong maiintindihan ng lahat pati ng mga taga ibang bansa ay siya ay isang Filipino, may pagmamalasakit, pagmamahal sa bayan at namatay para sa bayan at sa kapwa niyang Filipino. Hari nawa hindi lang sa monumento, sa piso, sa larawan at mga nobela alalahanin natin si Rizal bagkos alalahanin siya sa bawat kapwang nakakasalamuha natin kasama ang mga bayani at mga ilang hindi napangalanan pang namatay para sa bayan at mga henerasyong darating pa dahil ang laban nila ay hindi natapos noong 1898 kundi patuloy pa rin at tuloy tuloy pa rin. Isang malaya at punung puno na pagmamahal sa bayan sa ika 112 Araw ni Rizal!





Subscribe to Email Blast






Monday, December 29, 2008

ABS-CBN Official Statement on the remake of Twilight; with ABS-CBNNews.com clarification

4 comments
After posting the article about the clamor on the remake of Twilight by ABS-CBN (local title Takipsilim) some of the bloggers asked me, bakit daw nakapost sa ABS-CBNnews ang article the other day ABS-CBN bought the rights and after a day the said article was gone. Sharing you the official statement of ABS-CBN made by Bong Osorio, head of the Corporate Communication and Relations of ABS-CBN with the clarification of ABS-CBNnews.com to end up the clamor and the issue of playing the emotions of the fans. (As posted on ABS-CBNnews.com's Entertainment Section)

ABS-CBN Broadcasting Corporation said there is no truth to the Internet buzz about the company doing a local version of the hit movie/novel "Twilight".

"There is no truth to the Web reports, particularly in the Perez Hilton blogsite, that ABS-CBN is doing a local adaptation of "Twilight". ABS-CBN will be the first to announce if it is, in fact doing so," according to ABS-CBN Corporate Communications' Bong Osorio.

Last week, abs-cbnNEWs.com did a story on an Internet report about the adaptation. The prospect of a local adaptation of "Twilight" has caused a lot of discussion, sometimes heated, on various Internet discussion fora.

***

And Kane, a colleague texted me informing to post Sir Bong's statement just this afternoon, honestly I was doubtful when I saw his name on my inbox akala ko papagalitan ako after posting my my opinion on the issue, but like what I said everything I posted on my blog either releases, narcissistic pictures of mine along with my favorite co-workers and most opinions cross-posted on FilipinoVioces.com, InfluentialBloggers.net and Philippine Election 2010 where all my opinions and my contribution to the world wide web and help to them as part of the promotion with my own pagkukusa. Well the bottom line is may smiley naman ang text and he saw my full name along with my statement on the web and good thing its not opposite on what is really happening. Pero kinabahan pa rin ako kasi I'm sure ABS-CBN nor GMA and other stations here in the country has lots of creative juices that will entertain their audience, in the case of franchise my opinion is Pinoys have their own twist of the show which it can be better than the other country and more entertaining promise. :)





Subscribe to Email Blast






Wednesday, December 24, 2008

Road Trip papuntang SUBIC

0 comments


After the storycon instead pumunta sa Enchanted Kingdom dahil umuulan naisipan namin pumunta nina Patty, Manila, Pink, Jovan at Nap sa Subic :)





Subscribe to Email Blast






Sunday, September 28, 2008

Moving on and never look back

0 comments


Last night, nagising ako dahil sa tawag ng isang kaibigan na hindi ko alam kung kinakatay ba siya dahil sobrang makaiyak. Ang akala ko nag away na naman sila ng boyfriend niya pero wala naman akong nababalitaan na ganun dahil kung may problema ang bf nya mismong mag susumbong sa amin (barkada) na may problema sila. Pero ito pala ang totoong nangyari (kung nababasa nya itong blog ko I'm sorry pero I really intend na i-share ito sa iba and I'm sure maraming makakarelate), hindi siya umiiyak dahil may away sila ng recent boy friend niya kundi sa past na hindi pa rin siya maka-let go.

Kung hindi ako nagkakamali itong dahilan ng paghagulgol niya kagabi ay dapat tapos na 3 years ago pa. Pero sa kasamaang palad hindi siya maka-move on, ang story nasa mall sila ng bf nya kahapon at hindi lang twice kundi 3 times daw silang nagkasalubong nung guy sa mall, I don't know kung sinasadya ba ito ng tadhana na magkita sila, pero ang awkward dito ay wala namang nangyari between them sa pagkakaalam ko. Dahil mas pinili daw nilang huwag ituloy ang bagay na iyon sa kanila. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon aching pa rin ang kaibigan ko.

But why putting Yeng Constantino's Di Na Ganun, I don't know just what my friends undergoing right now, I can relate sa story niya at doon sa kanta ni Yeng.

Sa friend ko sorry talaga kung na-i-broadcast ko story mo rito. Peace :D!






Subscribe to Email Blast

Monday, September 22, 2008

Stress ball for happiness

0 comments


Dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin, pamasahe, kuryente at maraming iba pa, kulang pa ang tatlong stress ball para mairaos ni Juan dela Cruz ang hirap na nararamdaman niya. At kung may stress ball lang si President Gloria Macapagal Arroyo nung panahong hindi pa naaayos ang tele-prompter e di hindi sana siya nagwala at pinag-fiestahan ng mga media at mga bloggers.





Subscribe to Email Blast

Thursday, September 18, 2008

Gaod...

2 comments
Hindi ako perpektong tao, at hindi ako nagpapakaperpekto...

... hanggang ngayon nag-i-struggle lang ako na magawa nang tama ang lahat ng ginagawa ko dahil alam ko yun ang dapat pero hindi ko maalis yung mga pagkakamaling iyon dahil lax akong tao at matigas ang ulo ko.

Yup sobrang tigas ng ulo ko, bago pa dumating ang blog na ito (Ang Sa Wari Ko) at bago pa ito nag isang taon, may Satire at Morphed akong sinusulatan noong nasa student publication pa ako. Same thing din ang laman puro reklamo sa lipunan at gobyerno ang laman, kaya ayaw ko ipabasa sa mga magulang dahil sigurado sermon aabutin ko. Dahil kahit anong kausap nila sa akin dahil natatakot silang balikan ako ng admin namin dati sa school dahil sa mga sinusulat ko, matigas pa rin ulo ko. Kasalanan ko bang maging aktibista ako noon na nag eenjoy na magpabilad ng araw sa Mendiol, Morayta, Edsa, at Liwasang Bonifacio, nakuhanan nga ako noon ng camera at nakita ako ng kapitbahay namin at tinawag akong komunista. Komunista na ba ang taong nagrereact, nagrereklamo at nagpapahayag ng opinyon patungkol sa gobyerno.

Awa ng Maykapal, naka-isang taon na rin ang Ang Sa Wari Ko, hindi man ito popular sa paningin ng lahat, masaya pa rin ako kasi sa kabila ng mga kababawan ko, typo at wrong grammar ko may mga naliligaw pa rin at nagtyatyagang magbasa sa blog kong ito. At may mga taong nariyan pa rin at nakikinig sa mga simpatya ko sa lipunan kahit hindi ako ganun kadetalye sa terminolohiya at puno ng emosyon. Si Tatay Schumey at Nanay Liz mga bago kong magulang sa cyber world, Ms. Janet na kahapon lang ay isanama ako sa Philippines 2010 Election Bloggers group blog, kay Manolo na inaadd ako sa blog nya nung nagwala si Madam President. Kay Nick na sinama ako sa Filipino Voices. Kay Dyu ng Pinoy Blogosphere at Kuya Itot ng Pinoy Entrecard. at Kay Boss Amo ko dito sa offic kahit may ubod mahal syang t-shirt na bloggers sucks at mga ka-team ko dito sa opisinang nasa QC na nakikinig sa mga nagreklamo ko habang nanonood ng news (sorry affected kasi ako lalo na dun sa mga batang inaabort at babaeng sinasaktan) topak kasi ako hehehehehe. At sa inyong mga naniniwala at nagtyatyagang magbasa at tumambay dito. Maraming salamat. Gaod lang mga kaibigan... Gaod lang.

Ang blog na ito ay ipagpapatuloy ang nasimulang emosyon, kalokohan, at kababawan. At magpapatuloy hanggang kaya pa.

Patungo sa ikalawang taong... sana makaya pa...





Subscribe to Email Blast

Thursday, August 7, 2008

with Lani Misalucha

0 comments

We had a chance to interview Lani Misalucha in Universal Records just this afternoon (August 7, 2008)







Subscribe to Email Blast

Friday, August 1, 2008

My new slippers

3 comments


Dahil hostage ng tito ko ang slippers ko ngayon napilitan na ako i-give up yun kaya bumili ako ng bago sa Bench cute sya pero di sya mahal di naman ako magsusuot ng 900 worth na slippers at ilalakad ko lang at pambahay di pa





Subscribe to Email Blast

Inside Eco Moda Manila (I Love Betty La Fea)

0 comments



Sharing some pictures from the Eco Moda Manila Blessing this morning. Yan lang yung personal pictures na meron ako rest iuupload ko sa official multiply site ng ilovebettylafea.multiply.com








Subscribe to Email Blast

Thursday, July 17, 2008

Salamat Manong Gilbert

0 comments

Kagabi habang nanonood ako Bandila, binalita na yumao na si Manong Gilbert dahil sa sakit sa puso 10:41PM binawian ng buhay si Direk Manong Gilbert sa St. Lukes Hospital sa edad na 48.

Hindi ako ganun kaclose with Direk, to be honest kahit hawak ko ang interactive ng Super Inggo 2 years ago wala kaming chance magmeet until last year lang nang iannounce ang bagong project ni Jericho at Carmen Soo na A Time For Us, pero noong panahon na yun habang nakikipag usap ako kay Manong Gilbert kasama ni Pink (Rachelle Siazon) wala pang title ang palabas na ito na ginagawa nila sa Malaysia. He actually ask my mini video gadget "Flip" kung paano daw yun, the one na ginagamit ng online group pag may mga one on one interview para handy at madali ang transfer.

Last July 10, nagkaroon ng event sa Esquinita para magkaroon ng fund raising para kay Manong para makatulong sa gastusin sa ospital, syempre nandyan ang mga kaibigan ng yumaong direktor sa pangunguna na rin ng Adprom group na sina Mico, Roxy, Biboy and EJ, pero di ako nakapunta kasi nasa Baguio ako that time with the My Girl Group, nagawa ko pang magbiro na lilipad na lang ako para makapunta sa Esquinita para makahapol sa party.

Like Erik Salud, Jerome (na kasama namin sa Baguio sa My Girl), Bb. Joyce Bernal, Direk Joey, Direk Jerry, Direk Cathy and Direk Manny Castañeda (lagi ko nakakasama sa Sharon meeting), Manong Gilbert is one of the directors I admire, noong ginagawa niya ang Jologs at Mr. Dreamboy na kasama si Piolo Pascual at si Bea Alonzo.

Kaninang umaga Pink interviews Don Cuaresma, director of Princess Sarah, and during sa meeting namin sa Varga, we take the chance to interview Itay Rocky, isa sa mga kaibigan ni Manong noong ginagawa pa nila ang Siniserye Presents May Minamahal, kasama si Oyo at Anne Curtis pa noon. And that time naalala ko pa may baston pa si Rocky dahil sa pilay niya.

Ang mga labi ngayon ni Manong Gilbert ay nakalagak ngayon sa Felicidad Room sa Arlington Memorial Chapel.

Kung nasaan man si Manong ngayon nawa'y wala nang sakit at hirap siyang nararamdaman ngayon kundi puro saya. Maraming salamat sa mga programa at pelikulang nagpaluha, nagpasaya at nagpa-ibig at nagbigay ng pag asa at ngiti sa mga manonood.







Subscribe to Email Blast

Saturday, July 12, 2008

Few pics form Baguio

0 comments



I'm currently uploading pics on my multiply sirkramic.multiply.com








Subscribe to Email Blast

Wednesday, June 18, 2008

Chicken or Beef? Or BOTH!

0 comments

Hope instant noodles would create something more unique than beef and chicken flavor.







Subscribe to Email Blast

Monday, May 19, 2008

Frustrations Frustrations Frustrations Frustrations

0 comments
It’s not that I am not happy with my work I love my team so much except with some of arguments on the side, but still we can get along to have long lunch, snacks, and trips going to Trinoma and SM The Block.

What am I ranting about is my personal thing on work, I'm sure everyone wants to have individual growth in their workplace (but others don't and that is so stupid about those pathetic employees). To those who are reading my blog right now, sorry guys, I included my personal issues again though I wanted to have it all by myself. This is one way I can release excess baggage.

Well I am looking forward on this seminar 3 weeks ago, but unfortunately 4 days before it happen the slot that I am expecting was given to others and God knows how I wanted to be on that conference and I needed it badly. And right now I don't get the reason why giving it to those who don't even has the interest to go there. Why! Why! WHY!

I am ranting badly! Why not give it to those who have interest to learn and gain personal growth, instead giving to those who went there and after an hour or two, they disappear.

Father forgive for asking more than I can consume and I never been contended with what I have. :(





Subscribe to Email Blast

Friday, May 16, 2008

On 20 Pesos Minimum Wage Addition

0 comments

Inanunsyo na ni President Gloria Macapagal Arroyo ang P 20 na dagdag sa arawang sweldo na matatanggap ng mga manggagawa sa kanyang talk sa Economic Confederation of the Philippines. Pero sa kabila nito iba iba ang ang opinyon ng mga manggagawa, ang ilan ay dismayado sa nangyaring desisyon ng Wage Board dahil taliwas ito sa kagustuhan ng TUCP na 80 pesos dagdag sweldo at sa Kilusang Mayo Uno at ilang grupo ng mangagawa na across the board na 125 peros. Sa kabila ng pagkadismaya ng iba, ay nagpasalamat naman ang ilan dahil kahit paano ay nakadagdag ito sa arawang sweldo nila. Ngunit sa kabila ng karagdagang sweldong ito at nagsalita ang ilang mga employer na maaaring magkaroon ng problema sa pagpapasweldo na maaaring mapunta sa pagbabawas ng kanilang mga tauhan o mga manggagawa dahil sa suliraning hindi nila mapupunan ang pangangailangan ng lahat kahit ito ay nakasaad sa batas.

Ang Sa Wari Ko: Hindi abuloy ang kailangan ni Juan dela Cruz tulad ng 20 pesos na umento sa arawang sahod ng kapwa niyang manggagawa, ang kailangan niya ay isang kongkretong aksyon mula sa pamahalaan para sagutin ang araw araw nilang pangangailangan. Kung ang mga employer ay nahihirapan sa karagdagang sahod sa mga tauhan nito at maaaring madala pa sa termination ng ilang employee. Bakit hindi gawin ng pangulo na direktang ayusin na ang suliranin ng price inflation , noon pa nagbigay ng suggestion ang World Bank patungkol sa price regulation bakit hanggang ngayon bingi pa rin ang pamahalaan, sinasadya ba nitong pahirapan si Juan dela Cruz para patuloy pagtakpan ang mga issue na dapat sagutin ng pangulo. Nangangamoy scape goat na naman lalo na ngayong umaalingasaw ang issue ng ZTE NBN Scandal. Naloko na ang Pinoy wag na sanang gaguhin pa dahil ang tao kapag nagutom mas titindi ang galit nito at nagiging marahas pa. Nasaan na ang pangakong pagkain sa bawat plato? Naanod na ba kasama ng bangkang papel sa Ilog Pasig kasama ng mga basurang umaalingasaw sa pamahalaan?







Subscribe to Email Blast

Saturday, May 10, 2008

Uyayi para kay Nanay

2 comments
Saan natatapos ang pagiging isang ina? Natatapos ba ito sa panahong nailuwal na ang isang sanggol sa kanyang sinapupunan? Paano ang mga inang ipinagkait na mabiyayaan ng anak, hindi na ba sila maituturing na maging isang ina? Gayun din ang mga babaeng piniling mamuhay sa isang bokasyong malayo sa pagbuo ng pamilya ngunit mas malawak pa rito ang serbisyong pinili nila, mga babaeng naninilbihan bilang yaya, mga babaeng naglilingkod sa bahay ampunan at simbahan. Hindi ba sila matuturing na isang ina dahil wala silang masasabing anak na mula sa kanilang sinapupunan? Paano rin ang mga amang piniling maging ina sa kanilang anak dahil ang kanilang asawa ay nagtrabaho sa ibang bansa o namayapa na?

Naging isang malawak na responsibilidad na ang pagiging isang ina, natural man o bokasyon. Kung noon ang isang pagiging ina ay nalilimitahan lamang sa isang babaeng nagdala ng anak sa kanyang sinapupunan sa loob ng siyam na buwan at iniluwal ito mula sa kanyang dugo at laman. Ngayon unti unti nang nagbabago ang anyo at pananaw sa tinaguriang responsibilidad at obligasyon ng ilaw ng tahanan. Mula sa inang nagluluwal, patungo sa isang babaeng piniling mag ampon ng isang batang aankinin niyang bilang anak sa kadahilanang hindi niya kaya magbuntis. Habang ang ilang mga yaya at mga kasapi ng bahay ampunan ay naging ina rin dahil ang responsibilidad ng pagkalinga at ang pagturing sa isang batang kapos sa pag aalaga ng totoong ina ay isang kapamilya. Kasama na rin ang mga yaya at mga naninilbihan sa mga bahay ampunang nagsilbing ikalawang ina na siyang pumuno sa kapos na kalinga ng mga mga inang nagtratrabaho at mga inang tinalikuran ang kanilang mga responsibilidad. Ito ang mga babaeng pinili ang bokasyon na maging isang inang ng mga batang hindi man lang nagmula sa kanila pero dahil sa tawag ng pagkalinga, pagkupkop, at pagmamahal ay tinanggap nila ito bilang nagmula rin sa kanila. Sa mga amang naging ilaw na rin ng tahanan na tinanggap ang responsibilidad nito na gabayan ang mga anak na iniwan sa kanya ng kanyang nagtratrabahong asawa o namayapa na. Ang mga inang nasa ibang panig ng bansa na nagtratrabaho upang mapunan ang pangangailangan ng pamilya lalo na ng mga anak. Tiniis ang mga malulungkot na gabi na malayo sa yakap ng mga anak para sa tawag ng trabaho.

Bilang pakikibahagi sa Mother's Day Celebration, isang pagpupugay sa inyong mga inang tiniis at di inalintana ang siyam na buwang pagdala ng inyong mga anak sa sinapupunan hanggang sa pagluwal, sa mga inang kumupkop ng mga anghel na nangangailangan ng pagmamahal at pagkalinga, sa mga babaeng pinili ang bokasyon bilang maging ikawalang ina sa mga batang kapos sa pag aruga, sa mga amang tumayo na rin sa responsibilidad na maging ina sa mga anak, at sa mga inang lumayo sa mga pamilya at anak para magtrabaho sa malayong bansa isang pagkilala sa inyong mga kadakilaan. Iba iba man ang ibig sabihin ng salitang ina, pero isa lang ang ibig sabihin ng salitang ito kundi pagmamahal.




Subscribe to Email Blast

Tuesday, May 6, 2008

Got my calling card

4 comments

Got my corporate calling card, still working with my blogger calling card pa rin wala pa ako design na maisip haaaaay so sad.






Subscribe to Email Blast

Saturday, April 19, 2008

Why am I Blogging?

1 comments

That's the common question people ask to the bloggers, why do you blog and what benefits you when you blog?

I can't say in behalf of the whole blogosphere, but in my almost a year of blogging on news, entertainment, society and events the only thing I can say is that there are stories that bloggers like myself -- even writers in print, television, movie, websites and advertisers -- has stories to share. Stories that people doesn't no, or stories that people knows but the way I present it may varies to the one they know, the style and way of story telling is important.

I'm counting down to my first blogsarry (blog anniversarry) on September. I can still remember of choosing Bad Blood Kramic (angry kramic), or Ang Sa Wari Ko (my opinion) as my title. I wanted to have a blog title that will generalize an idea on what I like to impose on my article and that is giving my side to the bigger story. Stories that people will love to read or sometimes doesn't. Schumey one of my mentor when I enter the a life of blogging tell me, that I can not pleased all with my articles. I must be ready for criticism and be used with it, as Arbet told me before when I encounter the word pathetic in my comment box, and it the word is addressed to me.

Making people read your blog entry is one of the challenge I encounter before, I never expected that people actually read my entries and even posted comment. When I write my views on the issue of Cheap Medicine Bill before, I am overwhelmed with the comments I received from the visitors I never thought visiting by blog. From their opinions, I learn more of what I have written in my entry. Sharing your part and learning from others is the most important thing I learn from blogging.

But not all is an easy publish like life in blogging, which I am encountering right now. I used to blog with Filipino language and it is hard for me to change the dialect to cater a wider audience. I am true to myself that I'm not that efficient with English language; and despite of this frustrations I can see visitors going to my blog, it may not be a large number of visitors but I am happy with it.

So there goes my blogging life and my journey continues.






Subscribe to Email Blast

Sunday, April 13, 2008

Post Graduation Syndrome

0 comments

- not all things that your teachers feed you is something you can use in the out side world.

Been there, been that, I have lots of ideas when I left school four years ago, yet cycle continues graduates now is becoming more idealistic rather than to be practical. I, myself have dream job and salary before and that is the fact that I hide my plans before I marched last March 2004 in CCP, where like others who practical I gave my handful of resumes to companies whom I hoping to be hired including the one I am working right now. I couldn't tell my other college friends that I had plans ahead of graduation, and I am sure they had plans more than I am planning and that was enjoying the summer breeze and tanning on the side.

I had enough of those things in my college life and I wanted more where I can benefit much, on longer term, well as the story goes, got my first work and I am having right now still before graduation, and that is the reason of my secret disappearance during the last few weeks before graduation and I didn't inform my friends.

Now, seeing graduates both practical and those enjoying summer breeze, one thing is common they are to ideals in terms of their plans and goals in life not to mention the salary. I remember someone telling me that there was a graduate asking for a 15, 000 pesos salary knowing that he/she is only a fresh graduate comparing that salary is we'll in my almost four years of working along with the frustrations and headaches still I could not avail to buy a car that is exclusive for my self, especially the one I am craving actually I am not into design and looks but with engines like Honda launches VCM 643 it is so cool. But still I can’t afford to buy one.

Being idealistic is nice, especially kung bibo ka sa klase not all would like that manners in the interview aside from the salary you are asking. One thing I learn is that don't put anything in your resume because you are giving a venue for lots of questions.

But I am sad of hearing the news that there are thousands who graduated yet the number of vacancies are few and unfortunately it doesn't cater other courses. Wish the government resolve that problem soon unless they are used with brain drain and unemployment despite of so many warnings.


Image courtesy of www.cartoonstock.com




Subscribe to Email Blast
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles