Friday, May 9, 2008

Malayang Pamamahayag, Malayang Pagpapahayag!

Masyadong malawak ang damdamin ng tula para ikulong ito sa sukat at tugma - Flowell Galindez, Adamson University, San Marcelino Literary Folio, 2004

Tulad ng tula, malawak ang ideya at damdamin ng isang blogger sa kanyang mga sinusulat. Mula sa kanyang personal na buhay hanggang sa pananaw niya sa samu’t saring pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid. Ang bawat isa ay may responsibilidad maging parte ng mas malaking obligasyon ng citizen journalism, bilang blogger at miyembro ng lipunan.

Maaaring magkaiba ang tema ng bawat blog pero sa kabila ng pagkakaiba ay may iisang pagkakapare-pareho ang mga blogger at iyon ang pagbabahagi nila ng kanilang mga kwento at ideya. Maraming istorya at kwentong kailangang bigyang buhay ng may akda, at ibahagi ito sa iba at iyon ang isa sa mga responsibilidad ng isang blogger, ang maging tagapag-abot ng kwento at istorya sa kanilang mga magbabasa. Tanging isang tanong lang ang kailangan sagutin ng isang blogger at iyon ay ang katanungang nag-iwan ba siya ng marka sa kanilang mambabasa? Bilang sa pakikibahagi sa nomination para sa Top 10 Influential Blogger for 2008, nais ko ibahagi silang sampung naging inspirasyon at impluwensya sa aking pananaw bilang baguhang blogger. Silang may mas malalim at kahulugan sa kanilang mga pananaw sa buhay.

Silang mga nagpalaya ng kanilang mga ideya at inspirasyon sa iba:


***

"So the fight for social justice and equity continues in the Enchanted Kingdom. I am sure that more farmer groups will come. Inspired by the Sumilao farmers, I hope that they too will win their fights. As a food crisis threatens the country, I just wonder why conversion of farmlands continues? I suppose the government would rather have the people go hungry first before they realize the impact of their misdirected programs. Oh well, what else is new? Industrialization will never be realized if the people are starving. Productivity? When the government would rather have 15yr. old kids work than go to school, it tells you where the country is headed." – Schumey

Ang bawat isa ay may pananaw sa estado ng lipunan lalo na sa pulitikal na aspeto ng bansa, ngunit ilan lang ang may lakas ng loob ibahagi ang kanilang pananaw kagaya ni Schumey sa The Philippine Experience?

***

“This blog started upon my initiative to encourage and support Senator Mar Roxas to run as President of the Philippines this May 2010 Presidential elections. I know that it's still far away. But let's think of the future. Senator Roxas has a great potential to lead this country and can do better than what Mrs. Arroyo did to our country.” – Kevin Ray Chua

Gimik at kasayahan, ito ang karaniwang pinagkakaabalahan ng mga kabataan sa buhay, at iilan lamang ay may pakialam sa mga nangyayari sa lipunan. Bumoto ka ba noong 2007 Election? Boboto ka bas a 2010 National Election? Pero ang 17 years old na si Kevin Ray Chua ay may pambato na, at iyon as si Mar Roxas 2010.

***

“When I confronted him about his addiction, he simply denied it and told me I was crazy. But one time I found nine baggies of coke in his bag. I asked him what it was and he told me it was vitamin powder from his 'healer'. I was so stupid, I believed him.” – Brian Gorrell

Sinundan ng buong mundo ang kwento at buhay ni Brian Gorrell noong ginawa niya ang controversial blog niya na The Not So Talented Mr. Montano, binuksan niya ang mata ukol sa issue ng sex at drugs sa buhay ng mga social elites sa bansa.

***

"The future of journalism remains hotly debated among members of the press. Yet, news organizations may yet learn a thing or two from the new trends and techniques in which the news is being researched, reported, and presented."

Di natatapos ang trabaho ng isang miyembro ng media sa panahong nag log out na sya sa opisina at pag tinanggal na nya ang kanyang Press ID. Katulad ni Brian Macable, ipinakita niya sa Bryan Post ang buhay ng isang miyembro ng media at ang bokasyong hindi natatapos pagkatapos ng trabaho.

***

"My first day as a blogger… actually i don’t really know what to write about, but since my family is so much into this i might as well join them. I’m a 40 year old mom of two….one is 19 (my daughter) and the other is 11 ( my son). I love to bake, cook, plant herbs (in pots cause i don’t have a garden), cross stitching, hardanger embroidery, bowling and just like any typical pinay moms i love watching telenovelas. This is all about me… my views, my experiences and my favorites."

Sa panahon ng modernong pamumuhay nagbabago ang mukha ni Eba sa lipunan. Pero sa kabila ng pagbabagong ito ang propesyong bilang ilaw ng tahanan ay nagsisilbing pinakadakila sa lahat, simple man pero makahulugan tulad ng isang inang si Nanay Liz at ang kanyang Simple Life.

***

"If perhaps these people who call those leaving the country unpatriotic can live this kind of life for us and for their country, then, maybe, just maybe, I’d stay and be “patriotic”. But most people who say those things are those who ask others to make sacrifices for them. These are the people who take other lives so that they may go living their hypocrite lives."

Tulad ng media, di natatapos ang bokasyon ng isang doctor pagkatapos niyang lumabas sa ospital at hubarin ang kanyang stethoscope. Patuloy ang buhay bilang doctor at sa pagbabahagi ng mga kaalaman si Doc Tess sa Prudence and Madness.

***

"2010. 2016. 2030. These are the years that deserve special attention and vigilance as they are categorically mentioned in conjunction with some welcome and even spectacular phenomena. They are years that demand special concern even if only on account of the formal expression and explicit promise that the Malacañang occupant will leave the people alone by reason of the constitutional provision on the matter of tenure—after having reigned for no less than 9 long years of many calamities in tenure and big man-made atrocities in government."

Ang paglilingkod sa simbahan ay hindi natatapos sa huling pagbabasbas, kundi ang paglilingkod at tulad ng isang pastol na hindi titigil sa paghahanap ng nawawala nitong tupa at aakayin sa kulungan nito. Tulad ni Father Oscar V. Cruz hindi natatapos ang pagpapastol niya ng mga mananampalataya sa lipunan at paghahanap ng katotohan sa mga Viewpoints ni OVC.

***

"Succumbing to economic needs that are of essential but insignificant matters to me, I gave up on you. With both hands in my empty pockets and a nodding head, I left you. Across the seas I have ran away. I have tried hard to keep away from you. I tried…and tried… and tried. And for my own sake, I desperately tried. I am not disappointed in you. I am with myself. And I am with Filipinos like me, who despite all things, still managed to keep their distance, kept their silence."

Iilan na lang ba mga muling tumingin sa pinanggalingan nilang bansa pagkatapos manirahan sa banyagang lupain? Iilan na lang ba ang may pagmamahal pa sa bayan pagkatapos umalis sa bansa, katulad ka ba ni Buraot bilang Anak ni Kulapo, patuloy niyang binabalikan ang bansang pinagmulan at patuloy niyang ipinaglalaban at pinupuna ang issue ng bayang kinalakihan nya noon.

***

"The more you seek quality, respect, growth, peace of mind, love and truth around you, the easier it will become for you to decide who gets to sit in the front row and who should be moved to the balcony of your life. You cannot change the people around you. But you can change the people you are around."

Mahirap ipahayag ang totoong pagkataong taliwas sa paniniwala ng lipunan lalo na't moralidad ang pundasyon nito. Pero si Joy-Joy ay hindi nahiya sa pinili niyang identity at paniniwala sa lipunan sa kanyang mga Musings of A Filipino Lesbian.

***

"i want to hear (the noise of the world). i want to move my left arm and hand. i want to write. (i'm a lefty) i want to draw. i want to paint. i want to stand alone without falling. i want to walk. i want to jump. i want to run. ("run, jump, play, make noise but do not sin"-don bosco haha!) i want to see the world clearly. i want to move my facial muscles. (i want to cry? nah.. ) i just want tears. (my eyes are very dry and i need an eye drop for it to moist) i want to close my eyes properly. i want to smile. i want to feel hot/cold water when poured to my left part of the body. i want my tumors to stop growing. i want to get better.i want to hear (the noise of the world). i want to move my left arm and hand. i want to write. (i'm a lefty) i want to draw. i want to paint. i want to stand alone without falling. i want to walk. i want to jump. i want to run. ("run, jump, play, make noise but do not sin"-don bosco haha!) i want to see the world clearly. i want to move my facial muscles. (i want to cry? nah.. ) i just want tears. (my eyes are very dry and i need an eye drop for it to moist) i want to close my eyes properly. i want to smile. i want to feel hot/cold water when poured to my left part of the body. i want my tumors to stop growing. i want to get better."

Kainlan ka huling naupo, magpahinga hab ang pinapanood ang napakagandang tanawin, pinakikinggan ang huni ng mga ibon, at dinadama ang napakalamig na dampi ng hangin sa iyong balat? Mga simpleng bagay na di na natin naaalinta dahil masyado nating iniisip ang mga trabaho. Maaapreciate mo pa ba ito kung wala na? Ito ang aral na natutunan ko kay KCat ang pahalagaan ang Tack In and Out ng buhay.

***

Sila ang ilan sa mga inspirasyon ko, mga bloggers na may kani kaniyang istoryang nais ipahatid sa mga mambabasa. Dahil maraming istorya man ang kailangang bigyang buhay at nabigyang buhay, ilan lang silang nagbigay ng puso dito para palayain at maging malaya ang mga sinulat nila at magsilbing inspirasyon sa lahat. Iba iba silang pananaw, pagkatao at pinagkukunan ng ideya, pero sila ang Top 10 Influential Bloggers ko para sa The Top 10 Emerging Influential Blogs in 2008 hindi man sila sikat, at maraming bumibisita sa kanila. Ang proud like lang ako may determinasyon sila sa sinusulat nila at may lalim ang mga pagkatao nila bilang miyembro ng blogging society at bilang citizen journalist.





Subscribe to Email Blast

9 comments:

Unknown said...

hello po! thanks for voting my blog.. though baka ma-disqualify coz i created the blog april2005 pa.. taos yung duplicate blog (iamkcat.blogspot.com) was created august2007.. thanks talaga.. God bless! :)

p said...

interesting list... i should cast my vote soon.

Janette Toral said...

Hi Flowell. The following got into the tally:

- The Not so Talented DJ Montano
- A Simple Life
- Anak ni Kulapo
- Mar Roxas for President in 2010 blog

The rest seem to have started before July 2007. Let me know once you have updated your entry so I can include your revisions in the next tally.

Thank you.

BURAOT said...

thank you flowell. mapasali lang on your shortlist is such an honor.

Flow Galindez said...

salamat po Ms. Janet.


ako dapat magpasalamat sa inyo Kcat, Buraot at Nanay Liz dahil may aral ang mga blog ninyo sa mga baguhang kagaya ko

Richard Macalintal said...

hi...you may try to visit my blog. see if it suits your qualifications. i just started it last week of april and i have growing number of readers....

www.batanggenyo.net

Janette Toral said...

Hi Flowell. 6 more blogs to go for your entry to be included in the masterlist. Hope you can update soon. Cheers!

Janette Toral said...

Hello Flowell. Please advise if you will update this post and complete your top 10. We are now finalizing the list of entries for the raffle.

Also, we have an eyeball this August 11. It will be great if you can join. Thank you.

dpanupam said...

The list is very useful. Website hosting

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles