Inanunsyo na ni President Gloria Macapagal Arroyo ang P 20 na dagdag sa arawang sweldo na matatanggap ng mga manggagawa sa kanyang talk sa Economic Confederation of the Philippines. Pero sa kabila nito iba iba ang ang opinyon ng mga manggagawa, ang ilan ay dismayado sa nangyaring desisyon ng Wage Board dahil taliwas ito sa kagustuhan ng TUCP na 80 pesos dagdag sweldo at sa Kilusang Mayo Uno at ilang grupo ng mangagawa na across the board na 125 peros. Sa kabila ng pagkadismaya ng iba, ay nagpasalamat naman ang ilan dahil kahit paano ay nakadagdag ito sa arawang sweldo nila. Ngunit sa kabila ng karagdagang sweldong ito at nagsalita ang ilang mga employer na maaaring magkaroon ng problema sa pagpapasweldo na maaaring mapunta sa pagbabawas ng kanilang mga tauhan o mga manggagawa dahil sa suliraning hindi nila mapupunan ang pangangailangan ng lahat kahit ito ay nakasaad sa batas.
Ang Sa Wari Ko: Hindi abuloy ang kailangan ni Juan dela Cruz tulad ng 20 pesos na umento sa arawang sahod ng kapwa niyang manggagawa, ang kailangan niya ay isang kongkretong aksyon mula sa pamahalaan para sagutin ang araw araw nilang pangangailangan. Kung ang mga employer ay nahihirapan sa karagdagang sahod sa mga tauhan nito at maaaring madala pa sa termination ng ilang employee. Bakit hindi gawin ng pangulo na direktang ayusin na ang suliranin ng price inflation , noon pa nagbigay ng suggestion ang World Bank patungkol sa price regulation bakit hanggang ngayon bingi pa rin ang pamahalaan, sinasadya ba nitong pahirapan si Juan dela Cruz para patuloy pagtakpan ang mga issue na dapat sagutin ng pangulo. Nangangamoy scape goat na naman lalo na ngayong umaalingasaw ang issue ng ZTE NBN Scandal. Naloko na ang Pinoy wag na sanang gaguhin pa dahil ang tao kapag nagutom mas titindi ang galit nito at nagiging marahas pa. Nasaan na ang pangakong pagkain sa bawat plato? Naanod na ba kasama ng bangkang papel sa Ilog Pasig kasama ng mga basurang umaalingasaw sa pamahalaan?
Subscribe to Email Blast
No comments:
Post a Comment