Saturday, September 5, 2009

Malacañang commands DOH to prepare for the 2nd wave of A(H1N1) Virus


Inutos ni President Gloria Macapagal Arroyo na maghanda ang Department of Health sa tinatawag na 2nd wave ng A(H1N1) Virus matapos mabalitaang namatay ang isang Filipinang OFW sa Bahrain na nagngangalang Jane Diale 30 years old at sa babala na rin ng World Health Organization.

Isinugod sa Salamania Medical Complex si Diale noong Miyerkules noong August 26 at namatay ito noong August 30. Ayon sa pagsisiyasat ay bukod sa A(H1N1) ay mayroon na ring sakit sa baga si Diale. Habang ang pinsan nitong bumisita ay nakita na ring positibo sa virus.

Mula sa natala ng WHO ay mayroon nang 209, 438 na kaso ng A(H1N1) virus sa mundo at tanging 1.04% o 2, 185 lang ang natalang namatay dahil sa virus na ito. Pero pinapaalalahanan ng WHO na mag ingat ang lahat sa maaaring 2nd wave nf virus na maaaring mas grabe ang maging epekto nito sa tao.

Dito sa Pilipinas ay inutos na ng Palasyo na maghanda na ang DOH sa pamamagitan ng paghahanda ng pampublikong ospital at higpitan ang pagmomonitor nito lalo na’t hindi pa nabibili ang vaccine kontra sa virus na ito.

Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles