Showing posts with label a(h1n1). Show all posts
Showing posts with label a(h1n1). Show all posts

Saturday, September 5, 2009

Malacañang commands DOH to prepare for the 2nd wave of A(H1N1) Virus

0 comments

Inutos ni President Gloria Macapagal Arroyo na maghanda ang Department of Health sa tinatawag na 2nd wave ng A(H1N1) Virus matapos mabalitaang namatay ang isang Filipinang OFW sa Bahrain na nagngangalang Jane Diale 30 years old at sa babala na rin ng World Health Organization.

Isinugod sa Salamania Medical Complex si Diale noong Miyerkules noong August 26 at namatay ito noong August 30. Ayon sa pagsisiyasat ay bukod sa A(H1N1) ay mayroon na ring sakit sa baga si Diale. Habang ang pinsan nitong bumisita ay nakita na ring positibo sa virus.

Mula sa natala ng WHO ay mayroon nang 209, 438 na kaso ng A(H1N1) virus sa mundo at tanging 1.04% o 2, 185 lang ang natalang namatay dahil sa virus na ito. Pero pinapaalalahanan ng WHO na mag ingat ang lahat sa maaaring 2nd wave nf virus na maaaring mas grabe ang maging epekto nito sa tao.

Dito sa Pilipinas ay inutos na ng Palasyo na maghanda na ang DOH sa pamamagitan ng paghahanda ng pampublikong ospital at higpitan ang pagmomonitor nito lalo na’t hindi pa nabibili ang vaccine kontra sa virus na ito.

Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

Tuesday, June 23, 2009

Influenza A(H1N1) Update: Philippines Recorded its first A(H1N1) fatality

0 comments
Bookmark and Share


Isang 49 years old na babae ang iniulat na unang fatality o namatay dahil sa sakit na Influenza A(H1N1) ayon sa Department of Health (DOH) at ito ay natagpuan sa Metro Manila, una sa Pilipinas at gayon din sa Asya. Ayon sa investigation na ini-report ng DOH, nagkaroon ng complication ang 49 years old na babae dahil na rin bukod sa A(H1N1) ay may sakit din ang babae sa puso, tubercolosis, at nagka-pnemonia rin siya dahil sa A(H1N1) pero ang resultang lumabas ang dahilan ng pagkamatay niya ay Atake sa Puso (Heart Attack).

Noong June 17 ay umuwing matamlay ang pasyente, habang the following day (June 18) ay nagkaroon na ng sintomas ng A(H1N1) ang 49 years old na babae at ito ay ubo, sipon at lagnat, at dito nag umpisa siyang mahirapang huminga at noong June 19 ay namatay na ang biktima. Matapos ang biglaang mamatay ay nagdesisyon ang mga kamag anak nito na-ipa-swab test ang biktima para malaman kung positibo ito sa A(H1N1) virus at noong June 20 ay nagpositibo ito sa sakit. At ngayon ay minomonitor na rin ng DOH ang 5 na taong nakasalamuha ng namatay.

Iniimbestigahan ngayong ng DOH kung paano nakuha ng biktima ang virus na ito lalo na't wala itong nakasalamuha ng A(H1N1) at hindi naman ito nagtravel mula sa ibang bansa. Pero sa kabila nito ay hindi na rin nagulat ang World Health Organizatio (WHO) sa balitang ito sa kadahilanang ayon kay Jill Hall, Team Leader Communicable and Surveillance Response ng WHO, ang mga taong may heart at lung condition ay mataas ang risk nito at posibleng mamatay sa oras na naging infected sila ng A(H1N1) virus. Ngayon ay minomonitor na rin ng DOH ang mga high risk group at kasama dito ang mga bata, buntis, matatanda, may sakit sa puso, baga, diabetes at iba pang sakit.

Ngayon mayroon nang 445 ang natalang nagkaroon ng A(H1N1) at 374 o 84% dito ay gumaling na. Ang babala ng DOH ngayon, ayon kay Yolanda Oliveros, Director, Natioan Epidemiology Center na may posibleng tumaas pa ang bilang ng magkakasakit bago tuluyang humina ang virus. Pero ang kinakatakutan ng ng mga experts ay ang posibleng second wave ng sakit na ito na maaring magbago ang epekto ng sakit na ito sa tao.

Sa mga school naman ay instead of full class suspension at nagdecide na magkaroon na lang ng selected suspension either class, department or building lang ang isususpend o mismong estudyante lang ang pauuwiin, habang ang mga nakasalamuha nito ay imomonitor naman ng DOH.
Subscribe to RSSPhotobucket

Friday, June 12, 2009

World Health Organization declares Influenza A(H1N1) Pandemic

0 comments
Bookmark and Share
Nagdeklara na ang World Health Organization na ang Influenza A(H1N1) ay nasa pandemic status na o pandaigdigan epidemya na kung saan umabot na 27, 737 na ang kumpirmadong kaso ng A(H1N1) sa buong mundo na kung saan ay maroon nang 141 ang namamatay at kumalat na ito sa 74 na bansa at 93 sa mga kumpirmado rito ay galing sa Pilipinas. Habang ang karamihan sa kaso ng A(H1N1) ay galing sa North and South America, Europe at Australia, na kung saan ang Australia ay mayroon nang 1 275 cases na ng A(H1N1). Pero sinigurado ni Nicola Roxon, Health Minister ng Australia at miyembro ng WHO na hindi dahil itinaas na ng WHO sa pandemic status o alert level 6 ang A(H1N1) ay hindi na ito ibig sabihin na mas mapanganib na ang virus. Ayon kay Roxon ay madaling gamutin ang A(H1N1) kung irereport agad sa kanila ang mga kaso sa mga health office nila ngayon ay gumagawa sila ng paraan kung paano mapigilan ang pagkalat nito. Nagyon ang A(H1N1) ang sumunod na pandemic case ng WHO matapos ang 41 years na kung saan nagkaroon ng Hongkong Flu na nagbunga ng pagkamatay ng 1 Million na tao.
Subscribe to RSSPhotobucket
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles