Saturday, September 5, 2009

Malacañang declares September 7 Non Working Holiday for Ka Erdy’s Interment



Idineklara ni President Gloria Macapagal Arroyo na National Day of Mourning ang September 7 kaugnay ito sa libing ng Iglesia Ni Cristo leader na si Bro Eraño “Ka Erdy” Manalo. Inutos din ng Malacañang na ang lahat ng bandila sa buong bansa ay dapat naka-half mast din sa araw na ito.

Nakatakdang ilibing ang yumaong leader ng INC na si Ka Erdy sa Lunes sa ganap na 12 noon sa Tabernacle sa loob ng Central Temple ng INC sa Quezon City. Patuloy ang magpunta ng mga miyembro ng INC na kung saan nagmula pa sa iba’t ibang part eng bansa bilang pakikiisa ng Philippine Airlines sa mga miyembro ng INC ay nagbigay sila ng discounts sa mga taong nag nanais lumuwas ng Maynila para makapagbigay ng kanilang huling respeto sa yumaong pinuno.

Maliban sa mga miyembro ng INC ay nagsipuntahan na rin ang mga iba’t ibang pulitiko na ang ilan ay malaki ang naitulong sa kanila ng INC.

Si Eduardo “Ka Eddie Boy” Manalo ang 54 year old na anak ng yumaong Ka Erdy ang siyang mamahala kapalit ng yumaong ama simula ngayon na kung saan nagsimula ang INC noong July 27, 1914 sa pamamahala ni Felix Manalo ang ama ng yumaong si Ka Erdy.

Itinakda namang non-working holiday din ni PGMA ang September 21 para naman sa mga kapatid nating Muslim na kung saan nagcecelebrate ng kanilang pagtatapos ng Ramadan o Eid Al Fitr.
Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles