Talking about Ethics and Law
Pinapatawag na ng Kamara ang mga doctors, nurses at interns na kasama sa maanomalyang canister scandal sa Vicente Sotto Memorial Medical Center. Nagsumite ng resolution si Akbayan Representive Risa Hontiveros Baraquel sa Committee of Human Rights ng Kongresso at sa Civil Service Commission, ayon sa Akbayan Representative, bukod sa paglabag sa code od ethics ng mga medical practitioner na involve sa rectal surgery scandal sa Cebu, ay isang hayagang pagpapakita ito ng gender discrimination sa side ng pasyente na kung saan kinuhanan siya ng video at inupload sa You Tube. Nababahala ang ibang kongresista na dahil na-upload ito sa You Tube ay magkakaepekto ito sa imahe ng mga doctor muli pagkatapos nang paglabas ng isang scene sa Desperate Housewives noong nakaraang taon.
Naghain ng panukala si Iloilo Representative na si Janet Garin na isa ring doctor, na kung saan para pabigatin ang parusa sa mga kasong medical malpractice ng mga doctor:
1. Paglabag sa Code of Ethics
2. False Medical Advertisement
3. Palpak na surgical operation
From 1,000 pesos na multa na nakasaad sa M edical act noong 1959, ay itataas ito sa 200,000 pesos at may kasamang pagkakakulong ito ang nakasaad sa panukala ng Physicians Act of 2008 na ipinapanukala kasama rito ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Integrated Philippine Medical Association na magtanggal ng license sa mga sangkot sa mga anumang paglabag na nakasaad sa panukalang ito.
Issues on Morality
Sa kabila ng suportang natatanggap ng pasyenteng biktima ng maanomalyang canister scandal ay batikos at paninisi ang natataggap niya mula sa Archdiocese of Cebu. Ayon kay Msgr. Archilles Dacay, tagapagsalita ng Archdiocese of Cebu, na walang dapat sisihin sa nasabing eskandalo kundi ang mismong pasyente na gumawa ng homosexual act at hindi ang mga doctor na kumuha ng video.
Ang Sa Wari Ko: Alam ko isang kapulaan na naman sa aking pagiging Krisyano ang mensahe kong ito, isang hayagang pagpapakita na isang paglabag sa karapatang pangtao ang ginawa ng mga doctor at iyon ay pagkuha ng video sa pasyente na walang pahintulot. Aminin natin na gumawa ng masama ang pasyente at iyon ay ang homosexual act pero sa kabila nito nararapat bang sisihin ng Archdiocese of Cebu lang ang pasyente at hindi ang mga doctor? Bakit tila nagsisimula nang magturo ang mga daliri ng mga kaparian sa Cebu kung sino ang may kasalanan, di ba sila dapat ang manguna sa pagtulong, pag unawa at paggabay sa mga taong nasasakupan nila at hindi ang pagbubuyo kung sino ang tunay na marumi at makasalanan. Ayon nga sa aral ni Jesus, maunang bumato ang siyang walang sala. Inihahayag ko lamang ang aking opinyon sa pahayag na ito sa kabila ng aking paniniwala sa Maykapal.
Subscribe to Email Blast
1 comment:
nakakalungkot nga po ito para sa mga pinoy....correction lang po sa last part, sabi ni Jesus, maunang bumato ang WALANG SALA...
Bilang karagdagan po dito, sinasabi din sa bibliya na "walang matuwid, wala kahit isa"..sa pangyayring ito, lahat ay may sala. ang pasyente, mga medical practitioners na sangkot, at ang mga manonood ng video scandals..maging ang mga bloggers na nagrerepost ng video scandal sa kanilang webpage ay malinaw na nagkakasala rin dahil sa pagiging instrumento ng pagsisiwalat ng kalaswaan na ito.. magtulungan naman po tayo..huwag magsiraan...
Post a Comment