
Umikot ang discussion sa halaga ng participation ng mga tao sa election lalo na ang mga first time voter, Georg Nava of Rock The Vote and Register & Vote mention na importante ang pagpaparegistro sa darating na election para makaboto sa 2010. Georg who is also part of Youth Vote Philippines with Evita Garcia, her team mate sa RV, ikinuwkento nila how the campaign starts and how this project works. They mention na ngayon nagfofocus sila sa pagpapaalaala at pangangampanya na magparehistro ang mga 1st time voter na nasa magiging 18 na bago ang National at Local Election sa 2010 at hinihimok din nilang makiisa rin pati ang mga taong hindi pa nagpaparehistro. Ayon kay Georg ito ang 1st step na kailangan gawin para makasali sa election at ang 2nd step ay ang i-scrutinize ang mga tatakbo sa posisyon bago sila iboto.
During the discussion kasama ang mga students at ibang mga advocates at bloggers naging usap-usapan ang Automated Election na kung saan ay inapprove na ng Supreme Court, ayon kay Georg she has faith on automation, optimistic siya sa technology na ito pero ang tanging concerns lang niya ay ma-clear lang ng COMELEC ang ilang mga bagay tulad ng process ng mismong actual voting, mga taong may access sa pagpapatakbo ng prosesong ito at mismong mga voting concerns tulad ng ano ang mga guidelines na kailangan i-inform sa mga botante. Bukod dito ang tanging hiling lang ng RV ay madagdagan ang mga machines at registration form na minsan ay nagkukulang sa mga registration precints na katulad nang naganap sa Cagayan de Oro na kung saan as early 3am mayroon nang mga nag iintay sa pagbubukas ng registration area ngaunit sa kasamaang palad ay nagkulang ang mga forms na kailangan at maraming pumila ang hindi nakapagparehistro.
Ngayon ang RV ay may project na Register & Vote Bus na kung saan ay pumupunta sila sa mga lugar upang i-remind ang mga tao na magparehistro at ang mismong bus ay nagiging service para dalhin ang mga kabataan sa mga registration area sa mga local government offices. Ayon kay Georg wala nang reason para hindi sila pumunta at makapagparehisto. Simula noong ginawa ang project na ito ay nakapunta na ang RV Bus sa Tatalon, Cebu, Cagayan De Oro, at ngayong September 17 ay pupunta sila sa Davao City.

After the last day of registration on October 31, RV is planning to have series of forums to let the youth and other voters to ask questions, scrutinize and learn more of those politicians running for the position. "Ito ang second step after registration ang kilalanin nila ang mga tatakbo sa election bago nila ito iboto" Georg mention where she and Evita tells those who is part of the dialogue na kilalanin mabuti ang mga tatakbo before giving their votes.
Blogger's note:



No comments:
Post a Comment