Hanggang September 15 na lang ang palugid ng partidong Lakas Kampi CMD kay Vice President Noli De Castro para makapagdesisyon kung sasama ba ito sa partido ng administrasyon at kung mag nanais ba tong tatakbo sa 2010 election.
Inimbitahan kasama ni De Castro sa pagpupulong ng Lakas Kampi CMD sina Defense Secretary Gilbert Teodoro at MMDA Chairpeson Bayani Fernando Jr sa September 16 na siyang nagbigay ng kanilang konpirmasyon na pupunta sila maliban kay Noli. Sina Fernando at Teodoro ay parehong miyembro ng partido ay umaasang mabibigyan ng basbas na siyang magiging pambato ng partido habang si Noli ay hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita ng kanyang desisyong kung gusto ba niyang tumakbo sa election.
Ayong sa Secretary General ng Lakas Kampi na si Gabriel Claudio ay hindi na nila maaantay si Noli pagkatapos ng September 15 na kung saan ay siyang deadline nila sa pag aantay kany Noli kung aanib ba siya sa partido at siyang magiging manok nito sa election. Ayon kay Claudio kung sakaling hindi aanib si De Castro ay mamimili sila kina Bayani at Teodoro ba parehong huli sa survey pero hindi ito ikinababahala nito ng administrasyon.
No comments:
Post a Comment