Wednesday, September 16, 2009
Gilbert Teodoro is Lakas Kampi CMD’s Standard Bearer
Overwhelming ito ang pagkakalarawan sa naganap na botohan ng National Executive Committee ng partidong Lakas Kampi CMD na naging pabor sa bagong salta sa partido na si Defense Secretary Gilbert Teodoro laban kay MMDA Chairman na si Bayani Fernando Jr.
Dating miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si Teodoro na kung saan siya nanalo na Congressman ng Tarlac at pinalitan siya ng kanyang asawa na si Monica Louise Prieto-Teodoro matapos siyang iappoint na defense secretary noong 2007 ni President Gloria Macapagal Arroyo.
Tulad ni Noynoy Aquino na pambato ng Liberal Party sa pagka-presidente sa 2010 Election ay nagmula rin si Teodoro sa political clan ng mga Cojuangco sa Tarlac. Maghaharap ang mag pinsang Teodoro at Aquino sa 2010 Presidential election kasama si Manny Villar. Sa kabila nito wala pa ring balita mula kay Bayani kung anong magiging plano niya matapos magdeklara ang kanyang kinaaanibang partido na mas pinili ang baguhang si Teodoro kaysa sa kanyang matagal nang miyembro nito.
No comments:
Post a Comment