Di pa rin natatapos ang kalbaryo ng mga Sumilao farmers sa Bukidnon na noon nakaraang taon ay nagmartsa patungong Malacañang upang iprotesta ang kanilang karapatan sa kanilang lupaing sakahan na ngayon ay ginagawang hog farm ng San Miguel Corporation. Nakakadismayado kung titignan nating pinangakuan na sila ni Gloria Macapagal Arroyo bago magpasko pero sa kasamaang palad napako ang mga pinagako nito sa mga Sumilao Farmers at ngayon sila ay nagbabalik upang singilin ang pangulo sa kanyang mga sinabi noong December. Ngayong araw na ito ay nagsagawa ng ritual ang mga Sumilao farmers na nagpatay ng apat na manok alinsunod sa panimula nila sa kanilang paglalakad paikot sa Malacañang hanggang 6pm para ipanawagan kay PGMA na ibigay na sa kanila ang karapatan sa 144 hectares ng lupa.
Krimen ba ang pagtitinda para sa ikinakabuhay ng mga pamilya? Hanggang ngayon isa pa ring malaking katanungan sa akin ang gawain ng MMDA na kung saan tahasan nilang ginigiba at sinisira ang mga maliliit na tindahan sa bangketa at sa ilang mga palengke tulad sa Wet and Dry Market sa Commonwealth na kung sa 50 na stalls ang sinira at ilang mga nagtitinda at mga estudyante ang nasaktan at nasugatan dahil sa pagpipigil nila sa demolisyon. Nakakadismayado ang gawaing ito ng MMDA na naging saksi ako kung paano nila kunin at sirain ang mga mumunting pinagkakakitaan ng mga kababayan natin. Paulit ulit ko tinatanong alin ang mas Krimen ang magtinda sa kalsada o pagnanakaw para sa pagtugon ng mga kumakalam na sikmura?
Nakakadismayado ang mga bulag at nagbibingi bingian na mga pulitikong nag papayaman sa kaban ng bayan, at ngayon nangangampanya sila para sa pagbabayad ng buwis sa April, sagutin muna nila ang mga issue nila bago sila maningil sulit ba ang buwis na binabayad ng mga tao? O para lang sa pagkain at kapritso ng mga buwaya sa gobyerno?
Mga Imahe mula sa News Patrol
6 comments:
Hmmm,
So, okay lang lumabag ng batas (hal., mag-squat sa lupang hindi sarili, mag-tayo ng tindahan sa bangketa at kalsada) basta't ito'y "nakabubuti" para sa mga maralita?
"For the common good"...it's an overly used phrase. And quite dangerous to wield too.
A misdirected anti-poverty program of the government is the problem. Kaya dumarami ang mahirap dahil sa mga maling focus na ito. Our laws are made by men and more than often than not, these laws cross the boundaries of human decency and humanity.
Jon, pasalamat ka at hindi ikaw ang nasa lugar nung mga na-demolish. Kung isa ka sa kanila, ano kaya ang reaction mo? Sasabihin mo rin bang yung may kaya lang ang may karapatang mamuhay ng marangal at lahat ng mga hikahos ay mga busabos?
mschumey07,
So, dahil nasa ganun silang katayuan sa buhay, okay lang?
So tama pala ang hinala ko. Okay lang na lumabag sa mga batas at isawalangbahala ang mga patakaran basta't mahirap ako, nakaaawa, at hikahos sa buhay. :)
Jon,
Kung ganyan kababaw ang tingin mo sa karapatn mo at karapatan ng iba, 'di na ako nagugulat kung bakit marami sa atin ang sarili lang ang iniisip. Walang may gustong maghirap. Mas gusto mo sigurong malinis ang sidewalk na nilalakaran mo habang itinutulak mong gumawa ng masama at kumapit sa patalim yung kapwa mo. Alin sa dalawa ang mas gusto? Baka dumating ang araw na yung "winalis" ng MMDA ay may nakatutok na patalim sa tagiliran mo at pilit na inaagaw ang pinaghirapan mo.
mschumey07,
Marahil tama ang pananaw mo, pero minsan iniisip ko, ilang maralita na kaya ang nasagasaan ng dumaraan na tren dahil ang palengke nila ay napakalapit sa riles?
O ilang tao na ang nagkakasakit sanhi ng basura at dumi na dulot ng mga naglalako sa bangketang walang wastong drainage?
I agree with you that the government's misdirection vis-a-vis poverty may be the problem, but should we leave the situation as is, wherein we will just excuse the ignorance of law and order "for the sake of the poor"?
Sa tingin ko mas hindi tayo aasenso kung ganyan ang pananaw natin sa buhay.
Matanong ko, nanonood ka ba ng XXX (palabas ng ABS-CBN)? Kung oo, napansin mo ba kung ilang mga kriminal ang nakatakas sa mga operation nila salamat sa mga masisikip at pasikut-sikot na mga lugar tulad ng squatter's area at palengke?
Sa tingin mo ligtas ka sa krimen sa mga lugar na ganyan?
Post a Comment