Wednesday, September 16, 2009
Bayani and Teodoro vying for Lakas Kampi CMD Standard Bearer post
September 16, 2009 – Mandaluyong, nagkaroon na ng pagpupulong ang executive committee ng Lakas Kampi CMD sa Shangrila Hotel sa Mandaluyong upang pag usapan at pagbotohan kung sino ang gagawin nilang pambato sa 2010 Presidential Election. Kasama sa pagpupulong ay sina Defense Secretary Gilbert Teodoro at MMDA Bayani Fernando Jr.
They can’t wait for Noli
Natapos na ang deadline na binigay ng Lakas Kampi CMD para kay Vice President Noli de Castro na kung saan naging bukambibig ni President Gloria Macapagal Arroyo na siyang magandang humalili sa kanya sa kanyang posisyon na siya ring karapat dapat na maging pambato ng partido. Sa kasamaang palad ay naging tahimik si Noli sa usapan ng aanib ba siya sa partido at kung gusto niyang tumakbo. Mula sa statement ni Gabriel Claudio na pinalabas niya sa kanyang interview sa TV Patrol World noong September 14 ayon sa kanya hindi na nila maiintay si Noli kung sakaling hindi siya makapagdesisyon hanggang matapos ang September 15.
Teodoro the beloved
September 15 ay nagbigay ng suporta ng 90 na kongresista na kung saan ay mga miyembro ng partidong Lakas Kampi CMD kay Gilbert Teodoro na kung saan ayon sa kanila tapos na ang labanan kung sino ang mamanukin ng partido dahil marami ang nagpahayag na ng pagkagusto kay Teodoro bago pa dumating ang araw ng pilian kung sino ang pambato ng partido. Kasama na rin ang 50 governors ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Gilbert, ito ang pinakita sa ginawang pagpupulong ni Zambales Representative Mitos Magsaysay para ipakita ang kanilang suporta. Kasama sa pagpupulong ay ang bayaw ni PGMA na si Iggy Arroyo.
Kahit nahuhuli si Gilbert si survey ay naniniwala pa rin sila na magbabago ito sa pamamagitan ng makinarya ng Lakas Kampi CMD.
Loyalty of Bayani
Loyalty sa partido ito ang bala ni MMDA Bayani Fernando Jr para makuha niya ang boto ng Lakas Kampi CMD para gawin siyang standard bearer ng partido sa darating na election. Taliwas sa nangyari kay Gilbert ay humarap siyang mag isa sa kanyang pinatawag na press conference. “Kaya palagay ko hindi mahirap makita ang kakahinatnan ng pardito kung makakamali sa kanyang pagpapasya, the selection will determine the character of the party”, ito ang kanyang mensahe na kung saan ipinahayag niya na siya ang nararapat piliin sa kadahilanang hindi kagaya nila de Castro at Teodoro siya ay hindi nagmula sa ibang partido bagkus ay naging loyal dito. Ay hindi man diretsuhan niyang sinabi na kung sakaling siya ang piliin ng partido hindi niya kukunin si Teodoro na tandem sa 2010 election. Ayon sa kanya mas nararapat si DILG Secretary Ronnie Puno.
Kung sino man ang piliin ng Lakas Kampi CMD ay siyang magiging mahigpit na kalaban nina Senators Manny Villar at Noynoy Aquino para sa 2010 National Election.
No comments:
Post a Comment