Tuesday, September 1, 2009

Chief Justice Reynato S. Puno heads the launching of Moral Force Movement



“Ang dangal ng lahing Pilipino ay nakasalalay sa ating pag-ibig sa bayan. Isang Pag-ibig na naka-ugat sa totoo, mabuti at tama. Isang pag-ibig na umuusbong mula sa pananalig at pag-asa” - Chief Justice Reynato S. Puno

August 31, inilunsad sa Main Auditorium ng Far Eastern University sa Morayta Manila ang Moral Force Movement (MFM) sa pamumuno ni Chief Justice Puno na kung saan ito ay isang multisectoral, non-partisan movement that calls for moral transformation sa bansa. Binuo ang MFM noong March 2009 sa pangunguna ni Chief Justice Puna bilang founder ng movement, na kung saan ay kulang kulang isang taon na lang bago mag Local and National Election sa 2010. Ang pangunahing adhikain ng movement na ito ay mas mapatatag ang moral values of integrity sa bansa, magkaroon ng social responsibility at pagmamahal sa bansa ang mga Filipino sa pamamagitang ng maayos na edukasyon at service oriented programs na kung saan ang bawat isa sa kabila ng kanilang sector na kinabibilangan at relehiyong kinakaaniban ay magagawang magsama sama para magparticipate sa adhikaing ito.

Education for the Election

Sa nalalapit na 2010 National and Local Election, pinili ng MFM na mas patibayin ang moral values kagaya ng integrity, social responsibility at pagmamahal sa bansa at nakapaloob ito sa programang ilulunsad nila ang Voter’s Education Program. Ang goal ng program na ito hikayatin ang mga botante makiisa sa pagboto sa election at piliin ang nararapat na transformational leader na dapat mamuno sa bansa.

Ang transformational leaders ay ang mga taong naghahangad nang pagbabago sa mga tao, sa mga ahensya at sangay ng lipunan, at sa mismong bansa na kayang itaguyod ito at pamahalaan sa maayos, at demokratikong pamamaraan. Kumpara sa mga tinatawag na transactional leaders na nakikilala natin sa common term na traditional politicians o mga trapo, na ang tanging importante laman sa kanila ay pansariling kapakanan at ng iilang mga kaibigan nila. Nakikilala ang mga transformational leaders sa tatlong bagay they practice eveftive (Kapitan ng Bayan), empowering (Lingkod Bayan) and ethical leadership (Katiwala ng Bayan).

Hopes on Morality and on 2010 Election

Ayon kay Ambassador Henrietta T. De Villa, Chairperson of the National Movement for Free Election (NAMFREL) and Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na hahanapin ng MFM kasama ang mga bagong bayani o ang mga educated voters ang mga nararapat na kandidato o mga transformational leaders na mamumuno at gagabay sa bansa. Hinikayat ni Ambassador De Villa na simula ngayon hanggang sa darating na election na hikayatin ang bawat botante na maging matalino at mapanuri sa mga kandidato at hanapin ang transformational leaders na nararapat sa posisyon na kung saan ang basehan ng panunuri ay naka-ugat sa totoo, mabuti at tama na siyang core ng MFM.

Ayon sa kanya ay wala nang magagawa ang mga kandidato sa panahong ang mga botante ay maging matalino at seryoso sa responsableng pagboto doon makikita ang simula ng pagbabago ng Pilipinas at makakaahon sa katiwalian, korupsyon at conflict sa gobyerno. Idinadalangin ni Ambassador De Villa na dumating ang araw na ito na kung saan ay mas magiging maganda ang kinabukasan ng bayan kasama ang mga kabataan.

Kasama sa MFM sina Ambassador Henrietta T. De Villa (Chairperson of the National Movement for Free Election or NAMFREL, Chairperson rin ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting or PPCRV at dating Ambassador sa Vatican), Dr. Mildwida Guevarra (Former Undersecretary of Finance, Chairperson of Movement for Good Governance and of Synergia (educational reform) Foundation, and 2008 Gawad Haydee Yorac Awardee), Msgr. Gerardo O. Santos, Ed. D. (President of the Catholic Education Association of the Philippines or CEAP, Executive Secretary of the Catholic Bishops Conference of the Philippines or CBCP, and Episcopal Commision on Cathechesis and Catholic Education), Retired Brigade General Jaime C Echeverria (President of the Association of Generals and Flag Officers), Bishop Ernesto P. Nacpil (Retired Bishop of the United Methodist Church of the Philippines), Ms. Marixi Rufino Prieto (Chairperson of the Philippine Daily Inquirer and Trustee of the Metrobank Foundation), Attorney Andres D. Bautista (Chairman of the Philippine Association of Law Schools, Dean of the Far Eastern University Institute of Law, and columnist of the Philippine Star) and Noorian S. Sabdulla (Moslem youth, 2008 Ten Outstanding Students of the Philippines Awardee).

Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles