Wednesday, December 10, 2008

Sizzling Hot Saturday Night with Komiks Presents Mars Ravelo’s Dragonna!

In-fire-ness surprise ako noong si Shaina Magdayao ang pinili to play the role of Dragonna, the 4th character among the Ravelos collection na kasama sa Komiks Presents umbrella ng ABS-CBN. Ang una ay si Vhong Navarro bilang si Latikman, pangalawa ay si Jon Avila na gumanap bilang ang tisoy na super hero na si Kapitan Boom. Then si Mariel Rodriguez na gumanap ng mala-Cinderalla story type hero na si Varga at ang malapit nang matapos ng small but terrible na si Tiny Tony na ginampanan ni John Prats.

It’s the first time na gumanap si Shaina Magdayao ng leading role at isang heroine, makakasama niya si show si Jake Cuenca na nakasama na niya noon sa Your Song Presents A Million Miles Away, both show na parehong under sa isang business unit na pinamamahalaan ni Deo Edrinal.

Shaina plays the role of Rona na kung saan iniligtas siya ng tatlong fireman na ginampanan nina Bayani Agbayani, Long Mejia at Arnold Reyes, na kung saan ang back story ay anak siya ditto Jodi Sta. Maria na galling sa lahi ng mga dragon. As the story goes madidiscover ni Shaina ang powers niya everytime na magagalit siya pero ang hindi lang pwedeng mangyari sa kanya ay mainlove kundi manghihina ang kapangyarihan niya.

Kasama ni Shaina sa show na ito ay sina Carlos Agassi, Alex Gonzaga, at Eda Nolan under sa direction ni Dondon Santos starting sa December 13 na back to back with the finale ng Komiks Presents Tiny Tony.

Note: Ito yung first time na lalabas si Shaina na naka sexy outfit at makikita pa natin yung mga iba pang action stunts niya mula sa training niya sa Lobo at Rounin before. Also after Dragonna ay siya naman ang pagdating ni Flash Bomba na gagampanan ni Luis Manzano at after nun ay siya naman pagkakaroon ng reunion ng mga Mars Ravelos heroes na nag-air sa ABS-CBN; Lastikman, Kapitan Boom, Dragonna, Varga Tiny Tony at Flash Bomba na mag-gi-give way sa mas pinalaking project ng ABS-CBN ang Isang Lakas na parang Pinoy Justice League na masasabi nating gawang Pinoy talaga at ang network presentor ay ABS-CBN. Lahat ng plugs at photos ng mga Mars Ravelos heroes ay naka upload sa http://komikspresents.multiply.com at www.abs-cbn.com.





Subscribe to Email Blast






No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles