Thursday, March 6, 2008

Yes I murdered my hair!

... my brain reacts with it!


Tinamaan na naman ako ng mga kaaningan sa mga nagdaan na araw mula sa matrapik na EDSA mula sa pagpasok hanggang sa pag-uwi. Nakakaburaot talaga ang maglakad nang napakalayo sa EDSA para lang sumakay at dahil sa usok mula sa tambusto ng sasakyan kaya nasinghot ko kaya ginanito ko ang buhok ko. Pero sabi naman ng aking katrabahong si Aimee Marcos na sobrang cool pagdating sa mga networking and online stuff cool daw ang gupit at kulay ng buhok ko.

Actually di ito style trip ko lang talaga ito pag wala akong magawa sa buhay ko kung gusto ko munang magrest sa mga kareklamuhan ko sa mundo kaya pinagdidiskitahan ko buhok ko. So far di pa naman nagrerebulusyon ang buhok ko sa mga pinaggagawa ko pero kahit paano ngayon medyo maayos naman na di kagaya dati na tinatalo ko si Rainbow Bright sa kulay na pinaglalagay ko sa buhok ko, from brown, white, yellow, gray at red ngayon naman medyo tame na ako kasi natatakot ako na matuluyan ang buhok ko dahil sa mga ginagawa kong kalokohan ngayon naman brown at red naman so far na mukhang palong ng manok ang trip ko ngayon, mainit na rin kasi kaya nagpagupit ako. Speaking of mainit malapit na ang summer vacation at gusto ko kumaripas sa dagat para magswimming pero di ako marunong lumangoy talo pa nga ako ng aso namin sa paglangoy noong tinamaan ng baha ang lugar namin nung minsan bumagyo. Ang kaya ko lang kasi hanggang naaapak ko ang paa ko sa lupa kaya ko pa pero pag indi na sure push the panic button na ako at pakiramdam ko snacks na ako ng mga pating.

Isa lang naman ang kababawan ko pag summer vacation at yun ay ang matulog nang matulog at magtyagang manood ng mga series at movie sa iPod ko pagkatapos ko iconvert maghapon sa PC ko. Syempre di mawawala diyan ang manood ng mga soap opera sa gabi at manood ng balita at umaatikabong mga reklamo na naman ang naiisip ko kaya tatakbo ako sa PC ko at magreklamo pero syempre di laging ganun kaya nariyan lagi ang notebook ko at ang nauupod ko na Mongol 2 kakatasa OC kasi ako gusto ko tasang tasa at matulis ang lapis ko bago ako magsulit. Weird no isa lang naman gusto ko kung sakaling may budget ako at yun ay tumambay sa isang
value hotels in the Philippines na kaya ng budget ko at magkulong maghapon at magdamag na nakabukas ang aircon na may libreng internet access, astig di ba!

Balik tayo sa buhok ko at sa pinaggagawa ko sa entry na to, wala lang trip ko lang gawin to kaya wag nyo isipin na kailangan ko na I-admit ako sa mental dahil kahit paano under my control pa rin naman ang sarili ko wala lang ako magawa kasi na ibang blog entry gusto ko lang ilabas ang whacky side ko hehehehe. :)




1 comment:

venkat said...

Nice post.Keep going on......

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles