Tuesday, March 11, 2008

Angsawariko survives the morning work rush!

Ngayon nafefeel ko na kung ano pakiramdam ng mga langgam kapag nakakita ng pagkain nagpupuntahan silang lahat at nagtatakbuhan, daig ko pa talaga ang langgam kanina para lang makasakay ng bus at dinaig ko pa ang 555 at Ligo Sardines sa pakikipagsiksikan buti na lang naka under arm protection ako na kahit mainit it will never let me down, pero kidding aside ramdam ko ang galit ng atong mga pampublikong motorista sa kanilang panawagan patungkol sa kanilang pagkalambag kay PGMA na ayusin ang kanilang hiling para maayos ang sistema ng ticketing ng MMDA na kung saan ang ilang mga lunsod sa Metro Manila ay may kani kaniyang sistema na nagpapabigat sa mga bulsa ng mga bus, jeep at taxi operators, ayon sa kanila ginagawang gatasan ng pera ang mga kumpanya ng mga public operators ng ilang mga opisyales sa dahilang ito hindi ko masisisi sila dahil sila rin ay nagtratrabaho at biktima ng mga pagtaas ng presyo ng mga bilihin bukod pa dito biktima sila ng mga mapagmantalang mga opisyal sa gobyerno. Hari nawa'y ang sa akin lang ay umaksyon si PGMA at DOTC sa kahilingan na magkaroon ng polisiya para sa unified ticketing na sagot sa mga nangangalit ng mga bus, jeep at taxi operator na ngayon ay naglulunsad ng transportation holiday na maaring tumuloy pa hanggang Miyerkules.

At mamaya uuwi ako pagkatapos ng trabaho good luck sa akin at sa atin sana makauwi tayo ng matiwasay sa ating mga tahanan.

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles