After sampahan ng kaso ang 36 na kataong sumali sa Manila Peninsula take over kasma sila Sen. Antonio Trillanes, General Danny Lim, Bishop Julio Labayen, Fr. Robert Reyes and former Vice President Teofisto Guingona ng kasong rebelyon. At sa araw ding ito isinumite ni Sen. Miriam Defensor - Santiago ang resolusyon para sa pagpapatalsik kay Trillanes sa pwesto, may ilang kapwa senador na di man sila sang ayon sa ginawa ni Trillanes at ay di rin sila sang ayon sa resolusyon na pagpapatalsik nito sa pwesto. Habang si Sen. Manny Villar ay nanawagan ng imbestigasyon sa naganap na failed Makati rebellion at ang pag aresto sa mga mamamahayag sa Manila Peninsula.
Ang Sa Wari Ko: Tulad ng sinabi ng isang ka-twitter ko at co-blogger ko na si Ederic na gusto natin ng pagbabago pero kaya nagagalit ang ilan sa atin sa ginawa ni Senator Trillanes ay dahil ginawa ito sa isang mas aggresibong pamamaraan kaya hindi ito tanggap ng ilan. Ang sa akin lang may sarili silang prinsipyo at paniniwala ngunit may batas tayong dapat sundin at yun ay isang malaking kasalanan ang ganung pamamaraan ng pagprotesta na maaaring makadulot ng mas malaking karahasan tulad ng nangyari nong Nov 29 sa Manila Peninsula. Hindi ako sang ayon sa pag pasok ng ilang mga miyembro ng mga taga simbahan sa mga pangyayaring tulad nito, alam kong napakahabang usapin ang separation ng state and church dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman ng lahat saan ba ang limitasyon ng bawat isa. Base sa pagsumite ng Defensor ng resolusyon sa pagpapatalsik kay Trillanes, marahil hintayin na lang muna natin ang desisyon ng hukuman kung anuman ang kahihinatnan ng kaso ng grupo ni Trillanes. At sa panawagan ni Manny Villar di lang dapat ngayon lang ang panawagang ito dahil maramin insidente na ang biktima ay ang mga miyembro ng media na hanggang ngayon hindi mapaliwanag ang pagkawala at pagkamatay nila.
No comments:
Post a Comment