Showing posts with label the bottomline. Show all posts
Showing posts with label the bottomline. Show all posts

Wednesday, August 4, 2010

Mae Paner aka Juana Change uupo sa hotseat ng the Bottomline

0 comments
Siya ang tinatawag na makabagong pilipina, ang Gabriela Silang ng makabagong panahon, ang mukha at personalidad na sumisigaw ng pagbabago. Kilalanin si Mae Paner o mas kilala ngayon bilang si Juana Change sa The Bottomline with Boy Abunda.

Mula ng pumutok ang isyu ng ZTE Broadband deal ng whistleblower na si Jun Lozada, ipinanganak din ang character ni Juana Change. Isang babaeng nag-iiba-iba ng persona at anyo na nagpapakita ng mga kabulukan at katiwalian sa gobyerno sa pamamagitan ng paggawa ng videos. At dahil kapos sa budget, ang internet ang ginawa niyang medium para maiparating sa publiko ang mensahe ng pagbabago.
       
Sa nakaraang eleksyon, naging visible si Juana Change sa lahat ng mga sortie at kampanya ni President Noynoy Aquino. Naging kontrobersyal ang kanyang presensya sa mga kampanya dahil sa napabalitang tensyon sa pagitan ng mga Liberal Party members at mga volunteer groups kasama na ang grupo nila Juana Change. At nang manalo si Noynoy, mas uminit pa ang tensiyon ng punahin ni Juana Change ang ilang miyembro ng gabinite na napili ni President Noynoy. Partikular na pinuntirya ni Juana Change ang pagkaka-appoint sa mag-amang Butch at Julia Abad. Dahil dito, nagkaroon ng word-war sa pagitan ni Juana Change at Presidential spokesperson Atty Edwin Lacierda.
       
Ano ba talaga ang tunay na kuwento sa likod ng tensyong namumuo sa pagitan ng ilang miyembro ng Liberal Party at ng mga volunteer groups kasama na si Juana Change? Anong klaseng pagbabago ba ang sinisigaw niya? Meron din ba siyang pinupuntiryang posisyon sa gobyerno? Sumosobra na ba sa pakikialam si Juana Change?
       
Umaatikabong panggigisa ang ihahain ni Boy at ng mga Bottomliners kay Juana Change  ngayong Sabado ng gabi sa The Bottomline with Boy Abunda.

Para sa karagdagang updates, mag –log on sa www.abs-cbn.com and follow @abscbndotcom
sa Twitter.





Subscribe to my RSS Feed via email! Enter your email address below:


Delivered by FeedBurner

Wednesday, July 21, 2010

Senator Juan Miguel Zubiri on the Bottomline hot seat this Saturday

0 comments
Ngayong Sabado sa The Bottomline, isa-isang sasagutin ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri ang mga maiinit na isyung pinag-uusapan ngayon partikular na ang mga maaanghang na mga pahayag ni Attorney Koko Pimentel laban sa kanya.

Matatandaang sina Pimentel at Zubiri ang nagtunggali sa ika-labing dalawang puwesto ng senado noong 2007 elections at naging mainit na paksa ang naging dayaan diumano sa ilang presinto sa Maguindanao. Naging kuwestiyonable ang pagkakaroon ng halos 95% na boto'ng nakuha ni Zubiri sa Maguindanao, at 87% lang sa Bukidnon na siya naman niyang balwarte at probinsya. Matapos ang ilang pagsisiyasat ay narecover ni Pimentel ang mahigit 257,000 na boto sa 22 presintong kinuwestiyon, sapat na numero para maungusan at malamangan si Zubiri. Pero isang kontra-protesta naman ang ihinain ni Zubiri na kumekuwestiyon sa halos 73,000 na presinto. Ang numerong ito ay halos one-third na ng total precinct numbers ng bansa. Isang bagay na pinuna ng kampo ni Pimentel at tinawag na "delaying tactic".
       
Naihain na sa Senate Electoral Tribunal ang naturang kaso, bulung-bulungan ngayon na may kinalaman ito sa nalalapit na botohan para sa Senate Presidency. Pinag-uusapan din na diumano'y may nagaganap na ligawan at agawan ngayon sa Senado para mapaburan ang kanya-kanyang mga interes. Ngayong Sabado, matapang na sasagutin at hihimayin ni Senator Zubiri ang mga akusasyon at intrigang ito. Totoo bang si Senator Kiko Pangilinan ang kanyang iboboto para maging Senate President? Totoo bang delaying tactic lang niya ang pagsampa ng protesta laban kay Koko Pimentel? At may balak ba siyang tumakbong presidente balang araw?
       
Ang lahat ng ito ngayong Sabado na sa "The Bottomline with Boy Abunda", pagkatapos ng Banana Split.



Subscribe to my RSS Feed via email! Enter your email address below:


Delivered by FeedBurner
Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles