Monday, January 4, 2010

Erich, Enchong, Ejay, Matt and Melissa join forces on Tanging Yaman

Ang mga bida ng malapit ng matapos na Katorse na sina Erich Gonzales, Ejay Falcon at Enchong Dee ay muling haharap sa panibagong hamon sa pagsalubong ng buong mundo sa taong 2010 sa pinakabago nilang programa, ang “Tanging Yaman”, kung saan makakasama ng tatlo ang isa sa mga pinakaminahal na tambalan sa telebisyon, ang Melissa Ricks-Matt Evans loveteam.

Malayo na nga ba ang narating ng mga batang mg aktor na ito? Masasabing tumatak ng husto sa publiko ang nabuong love triangle nina Nene, Gabby at Jojo sa Katorse. Sa pagpasok ng bagong taon, isa ring panibagong pagsubok sa kanilang buhay pag-ibig sa kanilang inaabanag serye sa telebisyon ang kahaharapin ng tatlo dahil makakasama ng hit trio sina Melissa Ricks at Matt Evans.



Parehong mula sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest, hindi maitago nina Erich at Melissa ang kanilang excitement na makatrabaho ang isa’t isa dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama ang dalawa sa isang soap opera. Magsasama sa isang napapanahong kwento na tiyak na hahatak sa mga puso’t isipan ng masa, paano kaya gagampanan nina Melissa at Erich ang magkasalungat nilang kapalaran?



Samantala, isang mahigpit na paligsahan ang nabuo sa Katorse sa pagitan nina Ejay at Enchong. Magpatuloy kaya ang nasimulang kompetisyon sa Katorse sa bago nilang palabas? Paano kaya masasabayan ni Matt ang nasimulan na ng dalawa? “Hindi naman ako kinakabahan na makipagsabayan sa kanila, naeexcite na nga ako na makatrabaho silang tatlo. Sa tingin ko, mag-eenjoy ako working with Nene and her two leading men,” salaysay ni Matt.



Ano nga ba ang basehan upang hirangin ang isang artista na ganap na primetime star? Karapat-dapat nga kaya ang mga batang aktor na ito sa nasabing titulo? Tunghayan ang muling pagpapakitang-gilas nina Erich, Ejay, Enchong, Matt, at Melissa sa Tanging Yaman ngayong January 11 na pagkatapos ng Precious Hearts Romances sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com and tangingyamantv.multiply.com.

Bookmark and Share

Subscribe to RSSEmail Me

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles