Paano nga ba gagana ang tinatawag na poll automation system? Gaano kahanda ang bansa para dito? Ito na ba ang tugon sa problema ng pandaraya sa eleksyon ?
Ilan lamang yan sa mga katanungang sasagutin ng “ANC Presents: A 2010 Poll Automation Forum” kasama sina Ricky Carandang at Pinky Web ngayong Lunes (Sept 21), 8 PM live sa ANC (SkyCable channel 27).
Magsasama-sama para talakayin ang isyu ang mga panauhin mula sa Commission on Elections (COMELEC), Smartmatic, Commission on Information and Communications Technology, Center for People Empowerment in Governance, at iba’t ibang citizen watch groups.
Dadalo rin sina Butch Pichay ng Lakas, Adel Tamano ng Nacionalista Party, Ernesto Maceda ng United Opposition, Rex Gatchalian ng Nationalist People’s Coalition, at Butch Abad ng Liberal Party, pati na rin ang mga kinatawan mula sa League of Governors at League of Mayors.
Susubukan naman ng sampung “Boto Mo” patrollers ang mga makinang gagamitin sa pagbibiliang ng mga boto sa susunod na halalan.
Simula ng ilunsad ito noong Mayo ng taong ito, patuloy na dumarami ang mga sumasali sa “Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula” ng ABS-CBN.
Ilan sa mga mahahalagang kaganapan na naibalita sa “TV Patrol World,” “Bandila,” at “Umagang Kay Ganda” ay nagmula mismo sa sumbong ng mga “Boto Mo” patrollers tulad ng paniningil ng P20 ng COMELEC para sa voter’s ID sa Cavite at isang election officer sa Antipolo, Rizal na nakatalaga pa rin sa puwesto taliwas sa itinakda sa batas.
Sa Lunes (Sept 21), magparehistro para bumoto at lumahok bilang Boto Patrollers sa itatayong ‘Boto Patroller’ at COMELEC registration booths sa Laoag, Ilocos Norte; Tacloban, Leyte; Iligan, Lanao del Norte at sa Metro Manila sa Mendiola at SM Mall of Asia.
Para sa karagdagang impormasyon sa “Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula,” pumunta lamang sa www.abs-cbnnews.com. Manatiling ring nakaantabay sa ABS-CBN, ANC, Studio 23, at DZMM para sa pinakasariwang updates.
No comments:
Post a Comment