Wednesday, September 9, 2009
Nonoy Aquino declares that he is running for 2010 Election
"Tinatanggap ko ang hiling ng bayan", ito ang ilan sa mga huling linya matapos nagsabing tatakbo si Senator Benigno "Noynoy" Aquino Jr. bilang pangulo sa darating na election sa 2010 kaninang umaga (August 9) sa Club Filipino sa Greenhills San Juan.
Matapos ang kanyang retreat sa isang Carmelite Monastery sa Zamboanga at pakikipagkita sa mga ilang kaalyado ng kanyang mga pamilya sa Davao at Tarlac ay nagdeklara siya ng kanyang pagtakbo sa ika 40 days na pagkamatay ng kanyang yumaong ina na si dating Presidente Cozaron Aquino. Sa kabila ng batikos ng Malacanang na gimik lang ang ginawang proseso ng pagdeklara ni Noynoy ay hindi naging hadlang ito sa kanyang retreat at paghihintay sa mismong araw ng 40 days ng kanyang ina para mag announce siya kung tatakbo siya o hindi.
Nagsimula ang lahat ng ito noong nag announce si Senator Mar Roxas na iuurong niya ang pagtakbo niya bilang pangulo ng bansa matapos nilang mag usap ni Noynoy at nagpahayag ito na gusto niyang maging pangulo. Matapos nito ay tumulak ito sa Zamboanga, Davao at Tarlac para makipag usap sa mga kaalyado ng mga Aquino at para magretreat sa isang Carmelite Monastery parahong kumbento na kung saan nag retreat ang kanyang ina na si Cory noong hinihiling siyang tumakbo sa snap election laban kay dating pangulong Ferdinand Marcos. Habang nasa retreat siya ay sinaba ng Palasyo sa pamamagitan ni Anthony Golez, spokesman ng Malacanang na isang gimik ang ginagawa ni Noynoy dahil alam naman nilang tatakbo ito sa 2010 election. Bukod kay Mar ay nagbigay na rin ng suporta ang mga noon nagnanais na tumakbo sa 2010 election na sina Pampanga Governor Ed Panlillo, at Isabela Representative Grace Padaca at ilan ding mga movement na naniniwalng makakapagdala ng pagbabago si Noynoy sa bansa.
Pero matapos ng deklarasyon ng kanyang pagtakbo ay usap usapan pa rin kung si Mar ang kukunin niyang pangulo, ayon sa panayam ng Umagang Kay Ganda kay Butch Abad isa sa mga miyembro ng Liberal Party ay darating din ang panahon mag aannounce na sila ng bise at mga iba pang posisyon na bubuo sa pambato ng LP sa National and Local Election sa 2010.
Sa kabila ng pag anunsyo ni Noynoy ay siya namang nalalapit na pagpapangalan ng pambato ng administrasyon at Lakas Kampi CMD sa September 15 at isa sa mga napipisil dito ay si Vice President Noli de Castro. Habang ang Bangon Pilipinas Party ni Jesus is Lord Movement Leader Bro. Eddie Villanueva ay hindi aatras sa kanyang muling pagtakbo sa 2010 ayon sa huling mensahe na pinaabot niya ang pagiging pangulo ay isang destiny.
1 comment:
I just don't think he will win
Post a Comment