
Ito na ba ang sinasabing trahedyang dala ng climate change? Aalamin iyan ni Karen at Bernadette Sembrano ngayong Martes (Sep 29) sa “The Correspondents” sa ABS-CBN.

Hinahalintulad kay Hurricane Katrina si “Ondoy,” na nanalanta kamakailan lang sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Noong 2005, marami ring buhay at bahay ang kinuha sa Amerika ni “Katrina,” na itinuturing na isa sa pinakamalubhang pananalasa ng bagyo doon. Dala naman ni “Ondoy” ang pinakamabigat na buhos ng ilan sa Metro Manila sa loob ng apat na dekada.
Tinatayang lalagpas ng isang daan ang mga namatay dahil kay “Ondoy,” samantalang libu-libo naman ang naapektuhan at nawalan ng tirahan.
Tunghayan ang iba pang isyung tinalakay sa programa sa http://thecorrespondents.multiply.com. Samahan si Karen Davila at Bernadette Sembrano sa pagsisid sa mas malalim na dahilan sa pananalasa ni “Ondoy” ngayong Martes (Sep 29) sa “The Correspondents” pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN sa ABS-CBN.
Maaari ka pang tumulong at magdonate para malaman kung paano? Narito ang mga listahan ng mga paraan kung paano at saan pwede magvolunteer, mag pledge at mag abot ng tulong.
Photos courtesy of TV Patrol World


r6i9f4gmvd
No comments:
Post a Comment