Wednesday, August 19, 2009
National Geographic Channel recounts the story of MV Doña Paz the Asia’s Titanic
Last August 18, at the Rockwell Cinema, Power Plant Mall in Makati, National Geographic Channel invites press people and bloggers para mapanood ang unang Filipino documentary na ipapalabas sa Nat Geo Channel. Ang documentary nito ay tungkol sa tinaguriang Asia’s Titanic o mas kilala sa MV Doña Paz tragedy na mahigit 22 years na ang nakakalipas at naganap ito noong December 20, 1987, 5 days before ang inaasahan nilang masayang Pasko kasama ang mga pamilya nila.
Mahigit sa 4, 000 passengers ang sumakay sa MV Doña Paz kabilang ang mga survivors na sina Luthgardo Niedo (sundalo), mag-amang Aludia at Salvador Bascal, at Almario Balangay at ang dalawa pa niyang kaibigan. Ikinuwento nila kung paanong ang inaasam nilang maganda at masayang Pasko na aabutan nila sa pag uwi nila ay magiging isang trahedya sa gitna ng dagat. Ayon sa natalang capacity ng MV Doña Paz ay ang tanging kaya lamang ng nasabing barko ay 1,518 kabilang ang 66 crew nito, at ang nangyari ay nagkaroon ng over crowding sa barko, pero ito naman ay itinanggi ng Sulpico Lines noong panahon na iyo.
Pero ang trahedyang naganap ay hindi dahil sa over crowding kundi dahil sa collision na naganap o banggaang naganap sa pagitan ng MV Doña Paz at MT Vector na isang oil tanker. Pero isa pa ring katanungan kung bakit nagkaroon ng banggaan ang dalawang barko kung meron naman right side policy na kung saan kung sakaling magkakalapit ang dalawang barko na magkaharap ay ipapaling nila ang kanilang mga barko pakanan, at sa panahong iyon ay walang ibang barko pa maliban sa MV Doña Paz at MT Vector. Lumabas na rin ang iba pang opinion na nagsasabing walang sapat na kakayahan ang mga nagmamaneho ng barko, habang ayon sa mga kwento ng survivors na mayroong nangyayaring kasiyahan sa taas ng barko at kasama rito ang mismong kapitan ng barko ilang oras bago mangyari ang banggaan.
Binigyan ng Sulpicio Lines ang mga pamilya ng biktima na na humigit sa 400 dollars pero ang tanging nakatanggap ay ang mga kamag anak na kung saan nakalista ang mga pangalan ng mga biktima sa master list ng pasahero. Habang ang mga humabol sa biyahe at sa mismong barko nagbayad ay walang nakuha mula sa kumpanyang nagmamay ari ng Sulpicio Lines. Ang MV Doña Paz ay ginawa noong 1963 ng Onomichi Zosen ng Onomichi, Hiroshima Japan, at ang original na pangalan nito ay Ryukyu Kaiun Kaisha at nabili ito ng Sulpicio Lines noong 1975.
Bukod sa MV Doña Paz ay pag mamay-ari rin ng Sulpicio Lines ang MV Princess of Stars na kung saan ay lumubog noong June 21, 2008 at nagresulta ng sa pagkamatay ng humigit sa 300 na pasahero.
Kasama ang Asia’s Titanic mula sa 12 na finalist na pinili ng National Geographic Channel sa pangunguna nina Yam Laranas, ayon sa kanya isang challenge para sa kanya ang project na ito dahil bukod sa history itong binabalikan nila importante ang pagiging mabusisi sa mga facts gayon din ang pag-convince sa mga survivors na ikwento uli ang mga nangyari noong 1987, at ito ang mahirap para sa kanila dahil ang iba ay nasa stage pa rin ng trauma kahit mahigit 22 years na ang nakakalipas. Asia’s Titanic will be air on August 25, 8pm at National Geographic Channel.
Read the press release of National Geographics
Read the schedules of Asia's Titanic here
No comments:
Post a Comment