Friday, May 29, 2009

Hayden Kho and Katrina Halili attends the Senate Inquiry

Bookmark and Share

May 28, 2009, muling naghirap sina Hayden Kho at Katrina Halili sa Senado para sa Senate Inquiry patungkol sa sex video scandal na lumalabas ngayon sa internet at mga bilihan ng mga pirated DVD and VCD.

Sa side ni Katrina Halili ayon sa kanya ay umibig lang siya ngunit pinagsamantalahan siya ni Hayden Kho na tinawag niyang Direktor instead of Doctor dahil sa mga lumabas na video scandal nila. Naging emotional si Katrina Halili sa pag bibigay ng statement niya sa senado at mahigpit niyang itinanggi na siya ang nagbibigay ng drugs kay Hayden taliwas sa bintang ni Irene Kho ang ina ni Hayden. Matigas na sinabi ni Katrina na lalabanan niya si Hayden hanggang mawala ang lisensya niya bilang doctor at makulong siya hanggang sa pagdusahan niya ang kanyang mga ginawa.

Habang si Hayden Kho naman ay patuloy ang paghingi ng tawad kay Katrina Halili sa nangyaring eskandalo. Pero taliwas sa paghingi niya ng tawad ay sinabi niya na si Katrina ang nagbigay at nag influence sa kanyang gumamit ng drugs. Patuloy pa rin ang pagturo niya sa mga dating mga kaibigan na sina Bistek Rosario at Erik Chua ang nagkalat ng video. Pero noong tinatanong siya kung sino ang source ng droga ay ayaw niyang sabihin kung sino ito.

Wala sa Senate Inquiry si Dr. Vicky Belo na kung saan hinihinalang nag utos kina Bistek at Erik na ikalat ang video.


Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles