Matatapos na ang matagal na paghihintay sa pinaka-aabangang teleserye ngayon, ang Tayong Dalawa, na mapapanood na sa Januray 19 sa ABS-CBN Primetime Bida
Ang kwento ay umiikot sa dalawang lalaking (Gerald Anderson at Jake Cuenca) may iisang pangalan, iisang pangarap at iisang minamahal (Kim Chiu). Tatalakayin sa teleseryeng ito ang ilan sa mga isyu sa buhay tulad ng —kayamanan, kapangyarihan, kalayaan, pamilya, galit, pagpapatawad, mga sikreto, iba’t-ibang rebelasyon, at pag-ibig
Dahil sa mga patikim (teasers at full trailer) na ginawa ng ABS-CBN para sa Tayong Dalawa, lalong nasabik ang mga masusugid na fans ng tatlo sa pinaka-mainit na artista ng kanilang henersayon na sina Kim Chiu, Jake Cuenca at Gerald Anderson.
Bibigyang-buhay din ng mga batikang artista ang ilan sa mga karakter sa teleseryeng Tayong Dalawa: Cherry Pie Pecache( ang bayarang-babae na may wasak na puso), Gina PareƱo( ang makabagong Magdalena), Helen Gamboa ( ang ambisyosyang ina), Agot Isidro (ang sekretaryang naging butihing ina), Mylene Dizon (ang martir na asawa), Ricky Davao (makapangyarihang tao na may mahinang damdamin), Alessandra de Rossi (ang kina-iinisang kaibigan), Jiro Manio( ang minaltratong anak), Coco Martin (ang nagpapanggap bilang maamong tupa) at si Baron Geisler ( ang pinuno ng Mafia)
Sa direksyon no Ruel Bayani at Trina Dayrit, tunghayan ang dalawang tao na may iisang pangalan, humaharap sa magkaibang realidad, at umibig sa iisang babae sa pagsisimula ng teleseryeng Tayong Dalawa ngayong January 19.
Check out the official websites of Tayong Dalawa; www.ABS-CBN.com and tayongdalawatv.multiply.com
Subscribe to Email Blast
No comments:
Post a Comment