Sunday, January 18, 2009

Bebe Gandanghari: Rustom Padilla no more


Nakilala natin si Rustom Padilla sa pelikulang Maruja na kung saan kasama niya ang dati niyang asawa na si Carmina Villaruel na machong-macho ang hitsura niya pero mula noong nagkahiwalay sila ng dating asawa noong 1997 ay nanirahan sa US si Rustom at nagbalik siya sa Pilipinas para sumali sa unang celebrity edition ng Pinoy Big Brother noong February 2006. Ang Rustom Padilla na dating macho ay isa nang skinny na lalaki na pumasok sa loob ng Big Brother house, kasama niya dito ang mga artistang kagaya sina John Prats, Bianca Gonzales, Aleck Bovick, Zanjoe Marudo at si Keanna Reeves na kung saan unang pinagsabihan niya ng kanyang totoong pagkatao. Inamin ni Rustom na siya ay isang homosexual kay Keanna habang nasa loob sila ng Big Brother house, at mula noon ay naging malaya na si Rustom sa pagpapakita ng kanyang totoong pagkatao sa likod at harap ng camera. Unang nakita ang kakaibang anyo ni Rustom Padilla noong lumabas siya sa Gawad Urian noong Octorber 2008 na nakapangdamit babae at iba na ang kanyang hitsura at mas lalo niya itong ipinakita sa paglabas niya sa mga pelikulang pinagbidahan niya tulad ng ZsaZsa Zaturnah at Happy Hearts at ngayon sa show na kasama niya si Cristine Reyes ang Eva Fonda na mapapanood sa ABS-CBN. At ngayon ay humarap na siya sa The Buzz para ipakilala ang kanyang pagbabagong anyo bilang si Bebe Gandanghari bilang pagtalikod niya sa kanyang dating pagkatao na si Rustom Padilla.




Subscribe to Email Blast

1 comment:

gil said...

hi friend!! U have a very cool site here....would U mind if we exchange links? ^_^

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles