Saturday, August 23, 2008

Phychiatric test para sa OFW: sagot nga ba sa totoong isyu ng mga OFW?

video

Psychiatric test, ito ang panibagong requirement ng DFA para sa mga taong nagnanais maging domestic helper sa ibang bansa. "Domestic helpers should be assess if they are able to respond to this type of stress" ito ang paliwanag ni Undersecretary Esteban Conejos ng Department of Foreign Affairs, ayon sa kanya dito masusukat ang kakayahan ng kanilang isip at emosyon ang anumang pagsubok sa abroad. Habang taliwas ang pananaw ng mga NGOs na sumesentro sa advocacy ng mga migranteng kababaihan, ayon sa kanila dagdag gastos ito sa mga Pinay na nag nanais mag abroad at walang saysay ang psychiatric test kung aabusuhin lang sila sa abroad. Ngunit naninindigan si Undersecretary Cornejos na sa makikita sa psychiatric test kung maaaring isabak ang isang domestic helpers sa abroad.

Pero aminin natin taliwas ang panukalang ito sa totoong dapat ginagawa ng ating pamahalaan at ng mga embahada natin sa ibang bansa lalo na sa Middle East. Hindi kailangan ng mga domestic helper ang psychiatric test para malaman kung nararapat siyang isabak sa trabaho sa ibang bansa at kung may kakayahan sila sa aspeto ng emosyon at pag-iisip. Ang kailangan ng ating mga kababayang domenstic helpers at iba pang OFW ay isang matatag na security para sa kanila sa mga bansang napili nilang pagtrabahuan, security para sa kanilang karapatan, security nila bilang tao laban sa pang aabuso at pagmamaltrato ng mga amo nila at ito ang kulang sa ating pamahalaan at mga embahada sa ibang bansa.

Walang taong matatag ang kakayahan sa pag iisip at emosyon sa panahong mangibang bansa siya para humanap nang swerte para sa kanya at sa pamilya. Kung tuluyan ipapatupad ng Department of Foreign Affairs marahil wala nang pumasa sa mga domestic helpers nating halo halo ang emosyon dahil sa pag iwan niya sa kanyang pamilya sa bansa, at magulo ang isip dahil nangangamba siya sa panibagong hamon sa kanyang buhay, at kung anong kahihinatnan niya sa bansang pagtratrabahuan. Lahat walang kasiguruhan dahil ang pagtratrabaho sa ibang bansa kahit dito sa Pilipinas ay pawang pagsusugal lamang nang tapang, emosyon at pag iisip. Lumalayo na ang Department of Foreign Affairs sa totoong problema at mas lalo pa nitong pinahihirapan ang mga taong nag nanais magkaroon ng swerte sa ibang bansa.

Isang malaking ANG SA WARI KO lang, alam ba nila ang suliranin ng ating mga kababayang domestic helpers at mga OFW sa banyagang lupain? Sana OO alam nila, para saan pa't nasa pwesto sila, dahil para sa akin hindi Pyschiatric test ang sagot sa matagal nang suliranin ng mga migranteng Pinoy sa ibang bansa kundi isang masasandalang embahadang alam ang karapatan at alam kung paano ipagtanggol ang kapwa Pinoy nitong biktima ng pang aabuso at pagmamaltrato. Ilan pa bang kabaong ang dapat salubungin nang mga pamilyang pinangakuan nang masaganang buhay para kumilos nang tama ang ilang mga embahadang ginagawa nila dapat ang kanilang mga trabaho, sana putulin na natin ang mga suliraning ito at magkaroon nang maayos na panukala para sa ating mga kababayan sa abroad.











Subscribe to Email Blast

No comments:

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles