Rudy Fernandez ( March 3, 1953 — June 7, 2008)
Kaninang umaga, medyo antok pa ako dahil 2 am na ako nakarating sa bahay at nakatulog, nakatanggap ako ng balita mula kay Mother EJ kaninang 7am tungkol sa pagyumao ng isang multi talented actor at haligi ng entertainment na si Rudy Fernandez dahil sa sakit na ampullary cancer na sa kalaunan ay pinangalanang pancreatic cancer. Mahigit sa dalawang taon na siyang dumanas ng hirap sa sakit niya at nasa proseso na ng chemotherapy, ngunit kahit sa matindi niyang kagustuhan na mabuhay pa ay bumigay na rin ang katawan ng aktor. Ang mga labi ng yumaong aktor ay nakaburol ngayon sa Heritage Memorial Park na kung saan ay bukas na sa publiko para sa mga fans at tagasuporta para bisitahin siya sa mga huling sandali niya bago siya ilibing.
Image courtesy of Wikipedia: Rudy Fernandez (actor)
Subscribe to Email Blast
No comments:
Post a Comment