Saturday, May 17, 2008

On Education vs Tuition Hike

"The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels, and shall take appropriate steps to make such education accessible to all." Section 1., ARTICLE XIV, THE 1987 CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Minsan na ako umupo sa tuition increase consultation noong nag aaral pa ako sa isang kolehiyo sa Maynila. At natanong na rin ako na kung bakit kailangan akong sumama sa ganung bagay lalo na't wala naman akong binabayaran maliban lang sa mga libro at mga projects ko sa school. Nakakatawang isipin na kailangan ko pa bang danasin muna na ipautang ako ng mga magulang ko para makapag aral ako? Minsan hindi maaalis ang ganitong mentalidad sa kapwa estudyanteng walang pakialam sa hirap ng mga magulang nila para maigapang lang sila sa pag aaral.

Sapat bang rason ang pagtaas ng matrikula para sa tinatawag nilang quality education? Sa bagay na yan hati ang opinyon ng mga tayo sa bagay na ito. Positibo ito sa mga taong may kaya para mag bayad ng 40,000 sa isang semester para sa kursong alam nilang pagkatapos ng graduation ay mapapasukan na sila, ngunit paano ang ibang di alam kung saan sila tutungo pagkatapos. Pero sa mga taong hindi naman nakakaluwag sa buhay nagiging option na lang ang pag aaral sa mga university na may ganitong presyo ng tuition. Masakit man tanggapin tatlo ang option ng mga taong ganito, una ang magtiis hanggang makapagtapos kahit ipang utang ang tuition nila, pangalawa ay lumipat sa mas murang university na di kailangan mabutas ang bulsa ng sobra, at pangatlo tumigil at magtrabaho na lang para matutusan ang pangangailangan ng pamilya sa kapos na kinikita ng magulang para mapunan ang araw araw na pangangailangan.

Ang edukasyon ngayon ay nagiging priviledge na lang sa mga taong kayang magbayad para makuha ito. Kahit nakasaad sa batas ang karapatan para sa edulasyon ay wala namang nagtatangkang gumawa sa aksyon mula sa mga mamamayan o kahit sa mga nasa pamahalaan sa kabila na talamak ang mga kasong tulad nito. Ang sa akin lang nawawala ang silbi ng edukasyon sa taong bayan kapang pumapasok na ang issue ng bayarin, mas uunahin ni Juan dela Cruz punan ang kumakalam na sikmura kaysa sa ang kapirasong papel na nagsasaad na nagtapos kurso na kasamaang palad wala pang kasiguruhang may mapapasukang trabaho.

Para sa mga taong baluktot magi sip patungkol sa issue ng edukasyon, marahil na rin ang ilan na nakakaangat sa lipunan, ay isang kahibangan ang mga opinyong tulad nang sinusulat ko lalo na patungkol sa edukasyon laban sa matrikula. Lalo na sa kagaya kong hindi man lang namoblema sa pagbabayad ng tuition. Isa sa suliranin ng bansa ang mababang kaledad ng edukasyon na patuloy ginagawang rason sa taunang tuition hike, pero pagkatapos ng isang taon ganitong drama uli sa bawat konsultasyon. May mga gamit ngang dumarating, pero nagagamit ba ito ng mga estudyante o palamuti lamang sa panahong may darating na accreditors sa paaralan.

The State shall assign the highest budgetary priority to education and ensure that teaching will attract and retain its rightful share of the best available talents through adequate remuneration and other means of job satisfaction and fulfillment. Paragraph 5, Section 5, ARTICLE XIV, THE 1987 CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Nagagawa ba ito sa panahon ngayon? O patuloy na lang tayong bingi at bulag sa nangyayari. Malapit na ang susunod na SONA ng pangulo, gayon din ang pasukan, kamusta na ang estado ng edukasyon sa bansa? Ilan na ba ang siguradong marunong magbasa, bumilang at magsulat? At ilan ang liliban muna ngayong pasukan para magtrabaho dahil walang pambayad sa matrikula.









Subscribe to Email Blast

2 comments:

BURAOT said...

nung nasa college pa ako, yan ang isa sa kinukulit namin, ang deregulation ng tuition fee sa mga colleges at universities.

ang mga colleges, first and foremost ay negosyo, pangalawa na lang ang pagiging educational center.

sabi nila, those increases wouyld benefit the teachers na mababa sweldo? c'mon, hanggang ngayon ba naman? the thing is, kahit saan nila dalhin yung extra increase, they have the right kahit saan nila ilagay yun. negosyo nila yun eh.

ang magagawa lang natin ay ang mapalitan yung batas ng deregulation na yun, it won't uplift the quality of education, pero mawawalan ng karapatan ang mga school administrator na magtaas ng tuition fee kada taon.

Flow Galindez said...

at take note Private and Sectarian schools must be non profit based sa kanilang mga "policy and claim" pero bakit malaki ang issue ng ROI kada consultation

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles