Wednesday, August 12, 2009

Private Hospital Association of the Philippine opposes Cheap Medicine Bill implementation on August 15

Bookmark and Share


Matapos ang dalawang taong hinintay ngayong August 15, 2009 ay nakatakda na ang implementation ng Cheap Medicine Bill na naglalayong mas mapapababa ang gastusin ng mga pasyente sa mga binibili nilang gamot. Pero sa kabila nito ay nagbabanta ng ospital holiday ang PHAP or Private Hospital Association of the Philippine na kung saan ay pinapakita nila ang pagkontra sa nasabing implementation nito sa darating na Sabado (Aug 15). Ayon kay PHAP President Dr. Rustico Jimenez, last option sa kanila ang hospital holiday kung sakaling hindi sila magkasundo ng Department of Health ukol sa implementation ng Cheap Medicine Bill. “Di naman gustong mag hospital holiday, masama yun kasi baka hindi kami magkaroon ng pasyente. Kaya lang po ay baka hindi nap o kami mag-holiday eventually baka magsara na lang” ito ang banta ni Dr. Jimenez ng PHAP na kung saan ay mahigpit ang hindi niya pag sang ayon sa nasabing pagpapatupad sa Aug 15.

Sa kabila nito ay naging mahigpit pa rin si Secretary Francisco Duque ng DOH na kung saan itutuloy pa rin nila ang implementation ng nasabing batas sa August 15 na kung saan ayon sa kanya hindi na man lubusang maaapektuhan ang mga private hospital sa nasabing implementation ng batas na ito sa mga gamot. Ayon sa kanya ay hinihiling niya ng suporta sa batas na ito, sa kabila nito ay nagtataka si Sec. Duque na kung bakit may umaalma sa nasabing implementation ng batas na ito na kung saan ay dumaan ito sa mga sector na direktang maaapektuhan ng Cheap Medicine Bill. Habang ang ilang mga private hospital ay susuporta sa batas na ito sa kabila ng pa gaming mababawasan ang kanilang mga pasyente.

Handa naman magbigay ng rebate ang Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines sa mga hospital at botika na nakabili ng mataas na halaga ng gamot na kung saan may matira pa sa inventory nila until August 15. Tanging 21 lang na gamot ang kasama sa listahan nang bababa ang presyo, at ayon naman sa batas na ang sinumang hindi sumunod sa panukalang ito ay maaaring matanggalan sila ng lisensya. Habang sa mga maliliit naman na botika ay sa September 15 pa ang huling araw ng implementasyon ng batas para sa kanila. Tulad sa United States of America ay nilalayon naman ni President Barack Obama ang mapasa at maimplement ang H.R.3200 or ang health care reform bill na kung saan i-ma-mandate ng estado ang mga tao na mag karoon ng health insurance.
Subscribe to RSSPhotobucket

3 comments:

Mark Cabos said...

hi lowell, what can you say about this issue? I know you work for abs and i want to know about your personal views on what he have done.

http://donavictorina.blogspot.com/2009/08/victorina-we-condemn-willies-hubris.html

Flow Galindez said...

Mark Cabos I am not in the position to give any statement especially you connected me with the company

Anonymous said...

Hi,

Its the story of every Hospital and we can't change the history of every hospital.. as they look good and cleaned from outside but internally they are mushy....


Get More Details

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles