Sunday, July 26, 2009

President Gloria Macapagal Arroyo’s 2001 -2008 State of The Nation Address

Bookmark and Share

Before the clock strikes at 4PM, on July 27, 2009 where classes in all level is suspended in Metro Manila because of the 2 events happening on that day, 95th Anniversary of Iglesia Ni Cristo and the last or the 9th State of the Nation of President Gloria Macapagal Arroyo. In her 9th year in her term as the president of the Philippines from replacing the ousted president Joseph Ejercito Estrada and her re-election on 2004 let’s recall and run down details of her 8 State of the Nation Address as we prepare to listen on her last on the 27th of July.

2001 State of the Nation Address – July 23, 2001

Sino hindi makakalimot sa tatlong batang nagpaanod ng bangkang papel papuntang Malacanang? Sina Jayson, Jomar at Erwin ang tatlong kabataang isinulat sa bangkang papel ang kanilang mga kahilingan at pangarap sa bagong upong presidente na si Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang unang State of The Nation. Hiniling niya ang pagkakaisa at hilumin ang sugat na natamo mula sa EDSA Dos, labanan ang terorismo sa bansa, at ang labanan ang kahirapan sa pamamagitan ng free enterprise, social equity, social bias toward the disadvantaged, raise moral standards.

Ayon kay PGMA:

“Pinaalala ninyo sa aming lahat kung bakit kami ay narito ngayon sa bulwagang ito.
Mga senador at kongresista: Ipangako natin sa kanila, sa harap at sa tulong ng poong maykapal, na sa mga susunod na araw, buwan at taon, tayong mga hinalal, tayong may pananagutan sa kanilang kinabukasan ay handang magsakripisyo at magkaisa para sa kabutihan, kaunlaran, katatagan ng bayan at sa kinabukasan ng kabataan.
Jason, Jomar, at Erwin, hindi namin kayo bibiguin.”


Pero tulad ng bangkang papel na pinaanod sa Pasig River papuntang Malacanang, lumubog ba ito bago makarating sa tatlong kabataang sina Sina Jayson, Jomar at Erwin?

2002 State of the Nation Address – July 22, 2009


Matatag na Republika, ito ang gustong buuin ni President Gloria Macapagal Arroyo noong 2002 SONA niya. Para mabuo ang Republikang gawa sa bato ayon kay PGMA kailangan gawin ang mga sumusunod, maging independent sa pagkilos at walang kinikilingan sa iisang sector o samahan lamang, matatag at makalas na pamamahala sa ekonomiya at ang pagpapatatag ng estado ng microeconomics sa bansa.


Ayon kay PGMA:

“I know that it is to me that those many Filipinos are looking for the vindication of their decision to go to Edsa. I shall not disappoint them.
It is for them that I am working hard on that stone that will fit just above my father’s, adding security to social justice, and prosperity to the promise of social equality in which he believed so much.

Ang malakas na republika ay para sa mahihina, para sa mahihirap, para sa walang trabaho, para sa nagugutom, para sa nanganganib ; Para sa agrabyado, para sa mga api.

Toward the achievement of this strong republic, i shall bring to bear the full weight of the Executive, and call upon local government officials, to add their own. This is our common struggle, it shall be our shared victory. “


Pero sa pagtatayo ng matatag na republika, tulad ng pagtatayo ng isang bahay o gusali ang mga kasangkapan ba at mga gamit sa pagpapatayo nito ay matatag at maaasahan tulad ng mga nakaupo sa pamahalaan, maaasahan ba sila ng baying humalal sa kanila, o maganda lang sila sa panlabas habang sa loob ay marupok din kagaya ng hollow blocks na gawa lang sa burak.

2003 State of the Nation Address – July 28, 2003

Nasa giyera ang bansa ayon kay PGMA, ito ang giyera kontra droga, kontra terorismo, kontra at kontra katiwalian at kurapsyon. Sa SONA niya ay buong tapang niyang hinamon ang mga kumakalaban sa kanyang rehimen at ayon sa kanya ay patuloy niyang lalabanan ang katiwalian droga at terosimo. Pagtutuunan din niya ng pansin ang edukasyon, pagkain, trabaho at kalusugan.

Ayon kay PGMA:
“Nasa giyera tayo. Giyera laban sa terorismo. Giyera laban sa katiwalian. Giyera laban sa kasakitan. Giyera laban sa droga. Giyera laban sa distabilisasyon. Sa ating sama-samang pakikipaglaban at pagtutulungan, tayo ay mangingibabaw at magwawagi."

Sa labanan at giyerang ito, hindi natin inaasahan ang mga taong traydor at tumatalikod sa adhikain o layunin ng laban. Ito ang suliranin ng bayan ang mga katiwalian sa gobyernong minsan ay hindi namamalayan ng pamahalaan na dapat ay kastiguhin din dahil ang kalaban ay hindi lamang nasa labas, minsan nasa loob din sila ng isang grupong sinasamahan nila at handang bumaril sa iyo habang nakatalikod ka at kampante.

2004 State of the Nation Address – July 26, 2004

Mamamayan muna ang tema ng 2004 SONA kasabay ang pag uwi ni Angelo dela Cruz ang nabihag na OFW sa Iraq. Para kay PGMA tagumpay ito para sa kanya, ipinanukala rin niya ang konsepto ng lifestyle check sa gobyerno, ang pagsupil sa corporate corruption at ang pagmonitor niya sa presyo ng pangunahing pangangailangan ng Filipino, bukod dito ipinanukala rin niya ang ideya ng Charter Change.

Ayon kay PGMA:

“I ask Congress to pass a law on government re-engineering, with silver parachutes for redundant offices. Once we have proved to our people that we have done what we can within the present structure of government, we can move on to changing the system to one that enhances our freedom and flexibility to do more. I expect that next year, Congress will start considering the resolutions for charter change.”

2004, ito ang taong na kung saan nagsimula ang tinututulan nating Constitutional Assembly o mas kilala sa tawag na Charter Change. At sa pagpapanukala niya ng lifestyle check at pagbabantay sa presyo ng bilihin, babalik tayo sa isang katanungan mula noong 2004… napatupad ba ito ng maayos o ningas kugon lang kahat ito?

2005 State of the Nation Address – July 25, 2005

Para kay PGMA mayroong dalawang Pilipinas, ang isa ay may isang maayos at matatag na ekonomiyang handing manguna sa darating na panahon, at ang pangalawa ay may sistemang pampulitika na pabagsak na at hadlang sa pag-unlad. Patuloy ang pag-lolobby ni PGMA ng Cha Cha sa kongreso noong 2005.

Ayon kay PGMA:

“The system clearly needs fundamental change and the sooner the better. It's time to start the great debate on charter change. We must address such questions as how much more government is needed for the greater safety and economic security of our people, and how much less government is more conducive to free enterprise and economic progress. The mode of Charter change is the exclusive prerogative of Congress. But a constituent assembly may well give our people the quickest reforms. I shall work with Congress, civil society groups and local government executives who are convinced that Charter changes are needed to enable the country to surmount the unprecedented challenges of the 21st century.”

Para kay PGMA may pagbabagong magaganap kung mangyari ang pinapanukala niyang CHA CHA pero ang isang katanungan lamang ay sa CHA CHA lang ba tayo aasa para maayos ang kalagayan ng bansa?

2006 State of the Nation Address – July 24, 2006

Super Regions, ito ang ipinagmalaki ni PGMA na kung saan ay sa pamamagitang ng mga pagpasok ng turismo sa iba’t ibang parte ng bansa at ang pag ayos ng ekonimya sa pamamagitan ng RORO, mga napatayong infrastructure na mag uugnay sa iba’t ibang probinsya para mapadali ang takbo ng ikonomiya at pagpasok ng turismo lalo na sa Central Luzon. Ipinagmalaki rin niya ang pagbaba ng unemployment dahil sa pagpasok ng call center sa bansa. Mula sa mga bagay na ito ay mas mapapatatag niya ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay PGMA:
“For those who want to pick up old fights, we're game but what a waste of time. Why not join hands instead? Join hands in the biggest challenge of all, where we all win or we all lose: the battle for the survival and progress of our one and only country. After three years, eleven months, and six days, I shall relinquish the Presidency, with much if not all that I have outlined completed. I do not want it said then that, in the end, I defeated my enemies. I would rather have it said that all of us, you and I, friends and foes today, achieved together a country progressive, prosperous and united.”

Marahil nasabi nga niyang nabawasan ang unemployment sa panahong iyon, pero hindi sapat ang call center industry para mapunan ang suliranin ng bansa pagdating sa kawalan ng trabaho, lalo na ngayon na humaharap tayo sa recession, call center pa rin ba ang takbuhan ng lahat? Paano kung hindi ka qualified? Sorry na lang ba ang sagot sa mga taong iyon?

2007 State of the Address – July 23, 2007

Mamuhunan sa tao, ito ang ideya ng Facing Forward Not Facing Off theme ng 2007 SONA ni PGMA, ang magpapatatag ng edukasyon ng bansa at ang safety net na kung saan sa tulong ng TESDA ay mas mapapalawak ang kakayahan ng Filipino pagdating sa paghahanap niya ng trabaho. Pangarap din ni PGMA na mapasama sa pinakamayaman na bansa ang Pilipinas pagdating ng 20 years sa pamamagitan ng pagdevelop sa Mindanao as food basket ng bansa, pagdevelop sa Central Philippines as tourism regions, pagdevelop ng North Luzon Argribusiness Quadrangle at pagdevelop ng Luzon Urban Beltway.

Para kay PGMA:

“Hangarin kong mapabilang ang Pilipinas sa mayayamang bansa sa loob ng dalawampung taon. By then poverty shall have been marginalized; and the marginalized raised to a robust middle class. We will have achieved the hallmarks of a modern society, where institutions are strong. By 2010, the Philippines should be well on its way to achieving that vision.”

Pero sa kabila ng mga panukalang ito, ay babalik tayo sa issue ng terorismo sa bansa at kurapsyon hindi ba ito ang mga pangunahing problemang dapat ayusin ng gobyerno para mas mapaunlad ang bansa?

2008 State of the Nation Address – July 28, 2008

Humarap si PGMA sa kanyang 2008 SONA para ibalita ang dalawang bagay ang magandang ekonomiya ng bansa noong 2007, at ang bagyong padating o ang global crisis. Hinimok niya ang lahat na makipagtulungan lalo na ang sangay ng gobyerno na i-extend ang kanilang tulong sa mga taong nangangailangan. At nakiusap din siya na makipagtulungan ang iba’t ibang sector ng lipunan para harapin ang bagyong ito.

Ayong kay PGMA:


“Sama-sama tayo sa tungkuling ito. May papel na gagampanan ang bawat mamamayan, negosyante, pinunong bayan at simbahan, sampu ng mga nasa lalawigan.

We are three branches but one government. We have our disagreements; we each have hopes, and ambitions that drive and divide us, be they personal, ethnic, religious and cultural. But we are one nation with one fate.”


Sa kabila ng paghimok ng PGMA sa mga sangay ng gobyerno na tumulong sa mga nangangailangan, nariyan pa rin ang issue ng Red Tape at Corruption at nariyan rin ang samu’t saring eskandalong kinasasangkutan ng mga miyembro sa pamahalaan pati ang pamilya ng pangulo.

Ngayong ika-siyam at huling State of the Nation Address ano ang iikutan ng kanyang pagbabalita sa estado ng bansa? Ito ba ba talaga ang huling SONA niya? Mayroon tayong hindi inaasahang balitang sasabihin niya? Magbantay at makialam ngayong SONA ni PGMA!


Subscribe to RSSPhotobucket

2 comments:

Ding G. Gagelonia said...

Thanks for this bullet recaps, Sir Flow. Interesting snippets.

Flow Galindez said...

Thanks you sir Ding

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles