Monday, July 27, 2009
President Glora Macapagal Arroyo’s 9th State of The Nation Address: Ito na ba ang huli?
Ngayong July 27, 2009, 4pm sa Batasan Complex ay muling haharap sa bayan si President Gloria Macapagal Arroyo para sa kanyang 9th State of the Nation Address, maraming hanggang ngayon ay nagdududa kung ito na ba ang huli niyang SONA dahil na rin sa Constitutional Assembly o Con Ass o mas kilala na rin sa tawag na Charter Change. Maaalala natin na noong 2004 ay hinimok niya ang Congress na umpisahan nang talakayin ang usapin ng Charter Change, na kung saan dalawang taon din niya ito ini-lobby sa kanyang SONA matapos ang 2004. Bukod sa issue ng Charter Change narito ang mga tanong na sa tingin ko dapat talakayin din niya sa kanyang huling SONA ang Election Automation, and eskandalong kinasangkutan ng kanyang pamilya, ang cheap medicine bill, ang usapin sa reproductive health, ang bumabaksak na ekonomiya ng bansa dahil sa global financial crisis, ang pagsasaayos ng edukasyon, pagkain, trabaho at kalusugan ng mga Filipino at ang higit sa lahat ang gulong patuloy pa rin nagaganap sa Mindanao.
Noong huling SONA ni dating Pangulo Corazon Aquino nagpaalam siya sa kanyang huling SONA at mahigpit niyang ipinakita ang hindi niya pag sang-ayon sa pagpapalawig ng kanyang termino dahil na rin sa napabalitang extension ng kanyang panunungkulan noon. Si PGMA ba, magpapaalam na rin ba siya sa huli niyang SONA at para ipaubaya na ang kanyang posisyon sa 2010 election?
No comments:
Post a Comment