Friday, January 15, 2010

ABS-CBN Kung Tayo'y Magkakalayo begins on January 18 on Primetime Bida!

Ang pinakabagong teleseryeng lalabag sa batas ng pag-ibig... ‘Kung Tayo’y Magkakalayo’ ay magsisimula na sa Lunes, January 18, sa ABS-CBN.

Mula sa naghatid sa inyo ng Tayong Dalawa at Iisa Pa Lamang, ang ‘Kung Tayo’y Magkakalayo’ ang siyang magbibigay ng panibagong mukha sa kinasanayang teleserye ng mga Pinoy, hatiid ang naiibang kwento, bigating cast at tatlong dekalibreng direktor sa telebisyon.

Pagkatapos ng mga hindi malilimutang karakter nina JR, Dave, Audrey at Ramon sa ‘Tayong Dalawa’, pinagsama-samang muli ang mga pinakamanining na bituin sa industriya upang bigyang buhay ang mga karakter na tiyak na mamahalin at ng sambayanang Pilipino at siugradong tatak sa kasaysayan ng Philippine TV: Gabby Concepcion bilang Steve, Kris Aquino bilang Celine, Albert Martinez bilang Frank, Jacklyn Jose bilang Astrud, Gina Pareño bilang Petulah, Maricar Reyes bilang Selina, Gloria Romero bilang Barbara, Maxene Eigenmann bilang Alicia, Kim Chiu bilang Gwen, Gerald Anderson bilang Robbie, at Coco Martin bilang Ringgo.

Mula sa direksyon ng tatlo sa pinakamahuhusay na direktor, Erick Salud, Trina Dayrit at Dondon Santos, ang ‘Kung Tayo’y Magkakalayo’ ay sasalamin sa pag-ibig na ’tila’ hindi pinahihintulutan ng tadhana.



“When ‘Tayong Dalawa’ became a hit, we were challenged to do something na pwedeng pumantay sa naabot ng ‘Tayong Dalawa’,” pahayag ni Direk Trina. Dagdag ni Direk Dondon, “We were very excited to do the project. Knowing na orginal ang materyal, challenge sa aming mga direktor na makapagset ng high standards.”

Ayon naman kay Direk Erick, hindi lang ang ganda at tagumpay ng mga naunang programa ng ABS-CBN ang dahilan para lalo pang pagandahin ang teleseryeng ito, kundi ang mismong paghihintay ng mga tao sa mas magagandang serye ang nagtutulak sa kanila para lalo pang paghusayin, “Siyempre hindi lang yung pressure ang nagtutulak sa amin na pagandahin ang serye. It is the viewing public… yung paghihintay nila sa isa na namang bigating soap opera mula sa ABS-CBN ang nagpapainspire rin sa amin.”

Saksihan ang muling pagsasama-sama ng mga primyadong aktor ng bansa sa isa sa pinakamalaking teleserye ng taon, Kung Tayo’y Magkakalayo sa January 18 na sa ABS-CBN. Para sa mga updates visit www.ABS-CBN.com and kungtayomagkakalayo.multiply.com
Bookmark and Share

Subscribe to RSS FeedFollow me on TwitterEmail Me





Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles