Tuesday, November 3, 2009

No More Registration Extension – COMELEC

November 3, ito ang araw na kung saan papayagan na lang ng COMELEC na makapag-rehistro ang mga bagong botante na kung saan inabutan ng pagsara ng registration noong October 31, Sabado na siyang nakakuha ng form at nakapagpalista sa log book lamang. Nilinaw ng COMELEC na ang nagaganap na pagpaparehistro ngayon ay hindi isang extension kundi para tapusin na lang ang mga hindi nakatuloy ng registration nung Saturday dahil sa bagyong Santi at brown out sa ilang mga local COMELEC office.

Nag umpisa ang registration noong December 2008 hanggang October 31, 2009, pero hindi pasok ang bilang ng mga bagong botante sa registration dahil instead of 4 Million na ineexpect nilang accumulated voters na magpaparehistro sana sa loob ng 10 months ay tanging 3.1 Million lamang ang bilang ng mga nagregister.

Ayon sa COMELEC Law Director Attorney Ferdinand Rafaran sa interview niya sa TV Patrol World ay kulang sa budget ang dahilan sa mababang bilang nang nagparehistro na kung saan hindi tatlo kundi sampung registration machine ang dapat naka-deploy sa mga local COMELEC offices para mas mapadali ang proseso ng registration mula noong December hanggang Oct 31. Na kung saan nagiging resulta ng pagtigil ng registration tuwing nasisira ang machine at kailangan itong ipagawa muna, kasama na rin sa contribution sa pagbagal ng registration ay ang late na pagbubukas ng mga COMELEC offices na kung saan nakasaad sa batas na ang operation time ay office hours ito ang nakasaad sa Republic Act 8189 Section 8. “The personal filling of application of registration of voters shall be conducted daily in the election office during regular office hours…” At ang tanging solution na nakikita ni Attorney Rafaran sa kanyang interview kasama ni Anthony Taberna ay agahan ang gagawin na pagbubukas sa registration ng new voters para hindi na magkaroon ng abala.

Pero sa kabila ng 10 buwan na registration period na binigay ng COMELEC para sa 2010 Election na kung saan nagkaroon ng abala sa buwan ng September at early October dahil sa mga bagyo, ay nariyan pa rin ang sakit ng mga ibang Filipino at iyon ang pagiging last minute sa mga bagay na kung saan magpupunta lamang sila sa huling araw ng filing. Tulad ng sinasabi ko noon sa kampanya ko sa blog na ito na register to vote noon pa, ay pumila ng maaga para iwas abala, at nakita natin ito kaya sa mga observation ko sa mga COMELEC offices hindi ko masisisi ang mga opisyal na magpapasaring na dapat noon pa kaya nagparehistro para iwas abala, dahil last December pa nag bukas ang registration period e bakit kung kainlan huling araw dun pa kayo makikisiksik, may karapatan ka bang magreklamo sa mainit at mahabang pila sa huling araw kung inumagahan mo sana e dim as maayos sana at nakapagparegistro ka pa.


Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles