Tuesday, October 13, 2009

Ang silbi ng 45 pesos at ang isyu ng kahirapan


Para sa atin ang 45 pesos ay barya barya lang na kung saan karaniwang nagagamit pang load, pang-load sa ating mga cell phone credits, pampamasahe, pambili ng miryenda na minsan ay kulang pa, kahit nga sa mga budget meal sa mga leading fastfood kulang pa ito para makabili ng isang value meal. Pero sa kabila ng perception natin sa halagang hindi ay meron mismong mga taong nabubuhay sa ganitong kakarampot na halaga at pinagkakasya niya sa kanyang mga pamilya. Kagaya ni Aling Delma Melado isang may bahay na nakilala naming na naninirahan sa ilalim ng tulay. Kasama ang United Nation Development Program (UNDP) ay kinamusta naming ang mga taong naninirahan sa ilalim ng tulay ng Navotas at sa loob ng tunnel sa Kalookan. Kasama na rin ang mga katanungang paano nila nagagawang mabuhay sa ganung kakarampot na halaga para sa pagkain at iba pang necessity na kailangan ng isang ordinaryong tao, at paano pa kung marami sila sa pamilya.

Mula noong 2004 na data na ibinigay sa akin ng UNDP at hanggang ngayon 33% mula sa population ng Pilipinas ay nakakaranas ng tinatawag nilang extreme poverty na kung saan ang budget nila sa loob ng isang araw ay less than 1 Dollar o 45 pesos sa pera natin. Na ang tanging napupunan lang ng halaga nito ay mismong para lang sa ilang piraso ng noodles, kalahating bigas at kung papaladin naman ay may kasama nang ilang piraso ng tuyo, itlog at sabon depende na rin kung paano ito i-bubudget, pero paano pagsisiksikin ang mga ganitong pangangailangan kung ang pamilya na nag bu-budget nito ay kulang kulang sa lima ang miyembro?

Bukod sa suliranin sa pagkain nariyan din ang problema sa kalusugan o health care para sa pamilya lalo na sa mga babaeng nagdadalang tao at mga bata, ayon sa research ang karaniwang pamamaraan ng pagbubuntis ng mga taong naninirahan under extreme poverty ay hindi na nagagawang mag paycheck up o uminom ng gamut na kailangan sa pagbubuntis at ang ilan ay pinapalad manganak sa health center, habang ang ilan dito ay sa mismong bahay nanganganak sa pamamagitan ng hilot at sa kasamaang palad ay may mga inang namamatay sa pagbubuntis, mga sanggol o minsan pareho. Pero kung sakaling pinalad ang mga sanggol at inang mabuhay ay wala ring vaccine na masusustento sa mga bata na kung saan ayon din sa reseach hindi malalang sakit ang siyang kinamamatay ng mga batang below 5 years old kundi mga sakit na nakukuha sa maruming tubig at malamig na sahig na pinaghihigaan ng mga bata, ang diarrhea at pulmunya ito ang mga sakit na kumikitil sa buhay ng mga bata below 5 years old dahil walang pera pambayad sa mga ospital, at ganun din sa pampalibing salat sila sa perang susustento para dito.

Kamangmangan ito ang kasama ng kahirapan na kung saan instead nasa loob sila ng paaralan ay nasa lansangan ang mga kabataan para mag trabaho para madagdagan ang budget ng pamilya, mga murang katawan na kailangan magbanat na ng buto para magtrabaho.

Narito ang rough documentary ko sa naganap na immersion ko sa Navotas at Caloocan na naganap noong October 11 kasama ang UNDP.



Oct 16-18 ay ang Global campaign for Stand Up Take Action na kung saan ang main campaign ng Pilipinas ay Stand United Fight Poverty, tulad ng nabanggit ko sa taas kahirapan ang problema ng bansa natin na kung saan domino effect ito na damay pati ang kalusugan, edukasyon at gutom. Nabanggit ko na ang mukha ng kahirapan last year sa aking Blog Action Day post, at gayun din I’m inviting you to join this campaign, magkaroon ka ng stand, tama na ang napakaraming excuses at pagiging detach sa problema ng bayan kumilos ka na, tumayo, magsalita, kumilos laban sa kahirapan, may magagawa pa tayo at simulan na natin ngayon na dahil hanggang 2015 na lang ang deadline para maayos natin ang lahat at sa taong iyon makikita nating bumangon na ang mga bansang dumadanas ng matinding kahirapan kasama tayo, kasama ka at ako sa labang ito!


Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

3 comments:

The Web Magazine said...

Kung 45 pesos sa isang araw ay meron ang bawat tao. Mula bata hanggang matanda. Maari itong magkasya kung pagsasamahin. Magiging sapat ito sa lahat
-Carl

RJ Marmol said...
This comment has been removed by the author.
RJ Marmol said...

Thank you for this post and your support to UN's Millennium Development Goals, most specially the eradication of poverty by 2015. It's no easy goal, but if each of us help out, nothing impossible. Cheers!

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles