Saturday, September 19, 2009

Is Willie Revillame Running for 2010?

Kukalat na ngayon sa sa internet at mga pahayagan na nagsasabing tatakbo si Wowowee Host Willie Revillame sa 2010 National and Local Election. Pero ayon Revillame ang lahat ng desisyon ay malalaman ng kanyang mga tagasuporta at mga nanonood ng kanyang palabas sa ABS-CBN na sa September 21 niya lahat ito sasabihin.

Pero sa kanyang interview sa TV Patrolang lahat ng detalye kung tatakbo siya o hindi ay sasabihin niya pagbalik niya sa Lunes matapos ang kanyang mahabang pagbabakasyon sa programa. "Kung tatakbo man ako hindi naman ako magtatago, bakit ko lolokohin ang sarilim ko, bakit ko lolokohin ang sambayanan, at hindi ako magnanakaw, magbibigay ako tandaan ninyo yan", ito ang mensahe ni Revillame na kung saan ay napapabalitang sasama siya sa partido ni Senator Manny Villar na kung saan ay nagdeklara ng kanyang kagustuhan na tumakbo bilang presidente sa 2010 election. Pero ayon sa Wowowee host ay pag iisipan muna niya ito bago siya magdesisyon at magbigay ng kanyang anunsyo sa September 21, ayon din sa kanya ay napag isipan niya na hindi pangmatagalan ang kanyang trabaho ang pagiging host sa telebisyon mula noong nagbakasyon siya ng mahaba. Ayon kay Villar ay nag usap na sila Willie na kung saan hindi pa nasasabi nito kung ano ang kanyang desisyon kung Senator ba o Vice President ang gustong takbuhan ni Willie.

Si Revillame at Villar ay magkasosyo sa tinatayong Wil Tower Mall na umaabot sa 1.8 Billion na ginagawa ngayon sa tapat ng audience entrance ng ABS-CBN sa may Eugenio Lopez Drive. Habang nagpahayag na rin si Vice President Noli De Castro na hindi siya tatakbo bilang running mate ni Villar.


***

Blogger's point of View


Kung sakaling magpahayag man si Willie na tatakbo siya sa posisyon sa 2010 election mapa-vice president man o senator, ikagugulat ko pa rin ito kahit bali-balita na ito sa mga ilang political bloggers at mga social networks na kung saan karamihan ay nagpapahayag na ng pagbabatikos. Maaaring wala akong karapatang husgahan si Willie sa nais niyang tumakbo,dalawa lang ang gusto kong malaman tulad ng karamihang tumutuligsa, nagugulat at nagtatanong: Una ano ang kapasidad ni Willie na tumakbo sa posisyon, ano ang kongreto niyang programa ta plataporma para sa bayan at hindi lamang sa mga tagasuporta ng kanyang palabas at ng masa? At pangalawa kung sakali mang manalo siya at maupo sa posisyon, siya pa rin ba ang Willie na karaniwan nating nakikita sa telebisyon maingay, mapagbiro at minsan ay naninita sa kanyang mga crew, paano niya haharapin ang mas magulong pulitika, at paano niya isasaalang alang ang mga batas na ipapanukala niya at ano ang magiging posisyon niya sa mga issue ng lipunan na kung saan ang buhay niya ay hindi lamang tatlong oras na lang tulad ng kanyang palabas sa telebisyon kundi mahigit pa sa 24 hrs at mahigit pa sa isang linggong pagtratrabaho?

Image fron TV Patrol World
Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

2 comments:

Photoblogger said...

Really?!

Sigh, as weird as it sounds, despite the whole idea that we are not supposed to vote for the wrong person, even if he doesn't win, it's still quite disappointing to see that there are still those who vote for him.

Aimee said...

This is one of those hilarious news na kumakalat ngayon... Seriously?!? Well, I don't really think this whole thing is a good idea. I hope Willie will be sensible enough not to run...

http://aimeenvincible.net/

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles