Matapos ipalabas ang Sigaw noong 2004 na kung saan pinagbibidahan nina Richard Guitterez, Angel Locsin, Iza Calzado, Jomari Yllana, Ella Guevara and James Blanco na under sa MegaVision and Regal production under the direction of Yam Laranas, napanood ito ni Roy Lee isang producer na nagdala ng mga Asian films sa Hollywood kagaya ng The Ring, The Grudge, The Departed, The Lake House at Dark Water. Na-impress si Lee sa production at story ng Sigaw na kung saan ay kinausap niya si Laranas na dalhin sa Hollywood ang Sigaw at gawan ng Hollywood remake.
Ang movie na Sigaw ay story ng isang lalaking lumipat sa apartment kasama ang kanyang girlfriend na hindi nila alam na may nangyaring tragedy sa lugar na iyon at ngayon ay nakikita nila ang pangyayari na kung saan ay naganap noon at ngayon ay hinahaunt sila.
Habang sa Hollywood version nito na kung saan ay pinagbibidahan nila Jesse Bradford, Amelita Warner, Carlos Leon, Kevin Rand and Iza Calzado (Sigaw's original actress); na kung saan binago nila ang character ng lead actor na si Bobby played by Bradford na isang ex con na nabigyan ng parole at kailangan manirahan sa dating apartment ng kanyang namatay na ina, at tulad ng Sigaw ay may naganap na trahedya sa floor na kung saan naroon ang apartment ni Bobby, kasama ang girlfriend niya ay nakita nila ang naganap na trahedya tulad ng isang echo na bumabalik sa apartment nila na kung saan nakikita nila ang disturb soul ni Gina (Iza Calzado) kasama ang anak nitong namatay sa trahedya.
"It’s hard to find someone who can be both sympathetic and horrific in the same film. Iza lends herself well to both" ito ang sabi ni Tyler Mitchell ang co producer ni Lee na kung saan nahirapan sila sa paghahanap ng kapalit ni Iza sa role na Gina for the Hollywood remake that's why nagdecide sila na mismong si Iza ang ilalagay nila sa role para mas ma-preserve ang climax ng story.
The Echo is produced Vertigo Entertainment, RightOff Entertainment and QED International, and distributed by Viva International Pictures na kung saan ipapalabas nationwide simula sa September 30.
1 comment:
ganda pala nito...mapanood nga...
Post a Comment