Monday, September 21, 2009

Mar Roxas is running for Vice President under Liberal Party


Tatakbo na si Senator Mar Roxas bilang Vice President ni Senator Noynoy Aquino, na kung saan ipinahayag niya ang pagtanggap niya sa offer sa kasamahan nito sa Liberal Party na si Noynoy maging running mate nito para sa 2010 National Election.

Ginawa niya ang kanyang announcement sa Club Filipino sa Greenhills San Juan na kung saan ito rin ang lugar na ipinahayag niya ang kanyang pagsuporta kay Noynoy na maging standard bearer ng Liberal Party at siya ring lugar na kung saan ay nagpahayag si Noynoy na tatakbo sila sa 2010 Election bilang presidente ng Partido Liberal.

"Thank you for this opportunity to work with you as we raise the banner of reform" ito ang mensahe ni Mar sa kanyang speech na kung saan tinatanggap niya ang offer ni Noynoy maging running mate niya na kung saan isang opportunity ang makasama si Noynoy sa adhikain nitong dalhin ang pagbabago sa pamamahala ng bansa.

Ang parehong pambato ng Liberal Party ang mula sa angkan ng mga naging politiko ng bansa, si Mar ay apo ng dating Presidente Manuel Roxas at anak ng dating Senador Gerry Roxas. Habang si Noynoy naman ay anak ng yumaong President Corazon Aquino at dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles