Friday, September 18, 2009

2 Years na po Tayo


Before ang blogging para sa akin ay napaka-personal mga kababawan ko, mga sentiments ko sa buhay at mga kalokohan ko in short lahat nang maisipan ko isususlat ko sa blog na ito, until naencounter ko ang mga ibang bloggers na una kong nakilala sa twitter. Nariyan sila Az, Ada, Sire, Ohmski, Jori, Iris, Monch, Monique, Fjordz, Itot, Arbet, Jen, Jester, Marck, Doc Tess at marami pang ibang nakakakwentuhan ko sa mga social networking na tinatambayan ko. From personal naging open ako sa mga ibang bagay sa mga pagreview ng products na hindi ako sure kung may nagbabasa pero syempre may pananampalataya naman ako na meron.

Naging kaladkarin blogger ako, in short sumasama ako kung saan saan ako invite nila Az, Sire, Ohmski, Jonel at Jori, nasubukan ko na buong araw ay nasa lakwatsahan ako sinama ako sa mga naging una kong events ng Yehey sa Tokyo Tokyo Tempura sa Trinoma, GMCI's Havaianas sa Rockwell, Agatep's Road to Spain sa Makati, mga Wifi Events ni Az yun ang pinakaunan kong lumabas sa isang blogger event at nariyan din ang mga sobrang minahal ko na mga events, ang Gawad Kalinga na nakarating ako sa Tarlac at nakita ko na kahit saan dako at layo ng isang lugar may pag asa, ang Balangay na pinasakay ako sa isang boat na may fear ako pagdating sa mga ganun, SM Fairview Wifi event na napasakay ako sa roller coaster at nabingi yata si Ate Joy sa ingay ko, ANC Leadership Forums, Unicef, Dialogues ng Starbucks, Cervical Cancer campaign at marami pang iba. At hanggang ngayon kaladkarin pa rin ako...

May boses din pala ako noong nakasali ako sa Filipino Voices ang isa sa mga blogger na gumamit ng Tagalog sa website na iyon, pinalad din ako ipahayag ang pananaw ko pagdating sa usapin ng election ang pagpaparehistro at pagboto sa Ako Ang Simula. Nagkaroon din ako ng opportunity na makilala sina Tony Meloto ng Gawad Kalinga, Elizabeth Angsioco Reproductive Health Advocacy Network, Leah Navarro ng Black and White Movement, Rafael Lopa ng Benigno S. Aquino Foundation, Lorenzo Tan ng WWF-Philippines, Reynato Puno ng Moral Force Movement, Raymond Ciriaco ng PPCRV, at ang mga grupo, mga indibidwal na advocates at mga bloggers na naging kaibigan ko at nakasama ko sa mga kababawan at ingay ko, bukod sa FV, nariyan din ang mga Menggays (Ohmski, Jori, Sire, Earth, Iris, and Ed) at si Jon Magat ang bago kong utol na siyang nagpakilala sa akin ng paniniwala ng Iglesia ni Cristo, it shows kahit magkaiba kayo ng relihiyon pwede pa rin kayo maging magkaibigan at magkaunawaan.

September 19 ito ang official day ng pagiging 2nd year ng Ang Sa Wari Ko, so far hindi ko pa alam ang plano ko bukod sa bagong design ng blog ko, pero isa lang ang gusto ko mangyari sana marami pang bumisita sa blog ko, hindi man swak sa panglasa ng iba sana kahit paano may maabot ako sa simpleng blog na ito. At bukod dun sana magkaroon pa ako ng maraming kaibigan at makikilala sa blog na ito.

Napaaga ang posting ko ng anniversary, hindi rin ako magpapacontest ngayon, dahil may gusto akong gawin sa mismong araw ng anniversary ko kaya umantabay lang po kayo. Muli maraming salamat sa pagtitiwala marami pang taong pag-oopinyon at Sa Wari.

Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

2 comments:

Admin said...

dahil dyan ako ang unang mag-comment hehe.. Congrats and more power to ASWK :) go with the Flow ^_^ God bless

aajao said...

kuya ninong! salamat sa blogosperyo at nagkakilala tayo! mabuhay ang mga (low-profile) bloggers!

uhmm... lilisanin ko na pala ang blogger sa hindi na magluluwat na panahon...

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles