Saturday, August 1, 2009
Your Memory and Courage will remain with us Tita Cory
Ika-3 ng umaga ng pumanaw ang dating pangulong Corazon Aquino dahil sa sakit na Colon Cancer na kung saan mahigit sa dalawang buwan din siyang naconfine sa Makati Medical Center. Kasabay nito ay nakiisa ang buong bansa sa panalangin at suporta sa laban ni Tita Cory sa sakit niya.
Ina, ito ang siyng naging imahe niya simula noong pinangunahan niya ang laban kontra sa Martial Law ng rehimen ni Ferdinand Marcos, sa pamamagitan ng EDSA Revolution. Sa kanyang tapang at ginawa sa bansa ay hinirang siyang unang babaeng pangulo ng bansa.
Sa ngayon ay pinag uusapan pa ng pamilya ng yumaong dating presidente kung saan ibuburol ang mga labi ng dating pangulo para na rin sa kahilingan ng mga taong nagmamahal sa kanya para sa public viewing. Yumao ang dating pangulo sa edad na 76.
Hindi ko man maalala ang actual na tapang at mga ginawa ng Tita Cory pero mula sa mga aklat ng kasaysayan si Tita Cory ay isang ina ng kanyang pamilya, ina ng bayang Pilipinas at isang babaeng hinarap ang lahat para sa bayan.Ang iyong alaala ay mananatili sa aming mga puso at isipin. Paalam Tita Cory.
No comments:
Post a Comment