Saturday, August 1, 2009

Farewell President Corazon Aquino

Bookmark and Share




August 1, 2009, nakaplano akong sumama sa 40 Hour Prayer Vigil ni former President Corazon Aquino, pero instead na ang pupuntahan ko isang community prayer para sa kagalingan ng dating pangulo ay 3:30 AM ang unang message na natanggap ko na nagbabalitang yumao na ang si Tita Cory ng 3:18 AM dahil sa Cardio Respiratory Arrest sa Makati Medical Center na kung saan ay naconfine siya dahil sa Colon Cancer.

Still pumunta pa rin ako sa prayer vigil at sumama na rin sa misa pagdating ng katanghalian sa EDSA Shrine, hindi ko na nagawang kumuha ng picture habang nag-mimisa para na rin makapagfocus sa mass na inaalay kay Tita Cory bago iyo ay nagawa ko pang mag-take ng pictures sa paligid ng EDSA Shrine, nagpapasalamat na rin ako sa mga pulis na pumayag mag take ng pictures at mag ikot dahil na rin sa mahigpit na security sa lugar na iyo.

Ngayon ay nakaburol ang mga labi ng dating pangulo sa Gym ng La Salle Greenhills sa San Juan, at nakatakdang ilibing ang kanyang labi sa Manila Memorial Park ng pagkatapos ng misa ng 9AM ng August 5 sa tabi ng kanyang asawa na si dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

Narito ang ilang mga pictures ng EDSA Shrine kaninang umaga na nakuhanan ko habang hinihintay mag umpisa ang misa para kay Tita Cory.





Subscribe to RSSPhotobucket

1 comment:

ka edong said...

Mabuhay ka, Cory! Keep on shooting, Flow, tell the world.

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles