Wednesday, August 5, 2009

President Corazon Aquino: Ang maybahay na naging ina ng demokrasya at ng bayang Pilipinas

Bookmark and Share


Para sa isang maybahay na walang takot na hinarap ang hamon ng Martial Law at ipinaglaban ang demokrasya ng bansa, ipinakita ng unang babaeng presidente ng bansa na si President Corazon Aquino na sa pamamagitan ng panalangin at matatag na pananampalataya at panalangin ay magagawa niyang palayain ang bayang minahal niya at nagmahal siya.

Para sa akin ipinanganak ng panahon ng Martial Law at People's Power hindi pa malinaw sa mura kong isipan ang mga naganap noon, pero sa aking paglaki at pagkamulat ay nakilala ko kung sino ang babaeng naging ina, naging maybahay, naging presidente ng bayang ito at masasabi kong Dakila ang babaeng nagngangala Maria Corazon Cojuangco Aquino.

Isa siyang maybahay at ina, para kay Cory isang responsibilidad ang tanggaping maging ina ng bayang Pilipinas. Bukod sa kanyang sariling pamilya ay ginawa niyang mga anak ang milyun milyong Filipinong inakay niya mula sa Matial Law patungong demokrasya. Tulad ng ibang pamilya hindi man naging perpekto ang kanyang pamamahala dahil sa ilang mga coup attempt at mga taong kontra sa kanya, patuloy siyang naging ina sa bayan na hindi siya tumigil sa responsibilidad at patuloy ang kanyang panalangin at pag asam na maging maayos ang bansa at ipinagpatuloy niya ito kahit noong bumaba na siya sa katungkulan. Sa pamamagitan ng kanyang advocacy at pagiging parte ng laban ng bawat Filipino ay patuloy siyang nariyan at hindi niya iniwan ang bayan kaya nakita rin natin kung paano siya minahal ng sambayanang Filipino.

Patuloy ang laban ng babaeng nagbigay ng bagong kahulugan sa dilaw na kulay. Na ang dilaw ay kulay ng hindi pag suko, kulay ng pag asa, kulay ng matatag na pananampalataya at kulay ng demokrasyang iniregalo ni Cory Aquino sa bayan. Maaaring wala na si Cory at iniwan na niya ang bayang minahal at nagmahal sa kanya pero ang nasimulan niya ay patuloy pa rin ipagpapatuloy nang mga taong pinukaw niya ang isip at damdaming mahalin ang bayan at maging Filipino hindi sa papel lamang kundi sa pagkatao. Para sa maybahay at inang si Cory Aquino na naging inspirasyon ng lahat itutuloy namin ang laban, ipagpapatuloy namin ang iyong nasimula, maraming salamat Tita Cory, maraming salamat sa pagmamahal mo sa bayan at ang alaala mo ay ginawa ay ipapasa namin sa mga darating pang mga henerasyon ng Filipino.

Image courtesy of Time Magazine (www.Time.com)

Subscribe to RSSPhotobucket

1 comment:

Mikes Sumondong said...

I'm proud of her. She will surely be missed. Farewell Madamme President!

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles