Tuesday, August 4, 2009

On Aquinos vs Mrs Gloria Macapagal Arroyo: Question of Sincerity

Bookmark and Share


Nagpaabot ng pakikiramay ang pamilya ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa pangunguna ni dating First Lady Imelda Marcos sa pamilya ng yumaong dating Prisidente Corazon Aquino na kung saan ay tinanggap ng pamilyang Aquino at ipinagpasalamat. Naging magkalaban sa pulitika ang dalawang pamilyang ito noong nilabanan ni Cory ang mga Marcos noong nagbaba ito ng Martial Law sa bansa. Pero sa kabila ng pag-abot ng pakikiramay at pagtanggap nito ay naging issue naman ang naganap na di pagkakaunawaan sa pamilyang Aquino at kay President Gloria Macapagal Arroyo.

Ngayon ay firm na ang pamilyang Aquino sa pangunguna ng magkapatid na Noynoy at Kris na hindi nila tatanggapin ang inaalok na state funeral ng gobyerno na kung saan ikinasama ng loob ito ng pamilya lalo na si Kris nang humarap siya sa The Buzz noong linggo ay paano nila tatanggapin ang state funeral lalo na't noong nabubuhay pa si President Corazon Aquino ay binalewala na ito ng gobyerno na kung saan ay binawi ng Armed Forces of the Philippines ang dalawang sundalo nitong tumatayong bodyguard ni Cory matapos manawagan ito nang pagbibitaw sa posisyon si Gloria dahil sa mga eskandalong kinasasangkutan nito. "Yun lang e, kahit konting respetong iyon, na huwag tanggalin ang security blanket ng mom (Cory)... It really hurt me" ito ang sabi ni Kris habang umiiyak na puno ng sama ng loob sa nakaupong pangulo ngayon.

Nagpaabot naman ng paumanhin ang Malacañang sa naganap na pagbawi sa security details ni President Cory, ayon kay Serge Reymonte and press secretary ni Gloria na ikinagulat nila ang balitang natanggap nila ay himihingi sila ng paumanhin sa pamilyang Aquino pero hindi daw ito naging intensyon ng Malacañang na bawiin ang body guards ni President Cory at humihingi sila ng paliwanag mula sa AFP sa naganap na insidenteng ito.

Ayon kay Lt. Gen. Victor Ibrado ang AFP Chief of Staff na mayroon daw hindi pagkakaunawaan sa pangyayaring ito na kung saan ay may kautusang na pinapabalik ang mga sundalong naglilingkod sa mga VIP para palitan ng mga kasapi ng Philippine National Police. At para kay Noynoy Aquino hindi ang AFP ang may problema sa bagay na ito kundi mismong ang PSG na kung saan ito ang holding unit ng AFP na kung saan ang mismong kautusan ay nagmumula sa Malacañang.

Nasa batas na kailangan bigyan ng gobyerno ng security ang mga dating pangulo, pero sa kabila ng pangyayaring ito ay naging isang malaking katanungan at napuno na rin ng pagdududa sa katapatan ni President Gloria Macapagal Arroyo sa pakikiramay sa pamilya ng yumaong dating Pangulong Corazon Aquino na siyang naging ina at tagapaglaban ng demokrasya ng bansa.

Ngayon ang mga labi ng dating pangulong Corazon Aquino ay nakalagak na sa Manila Cathedral, ang unang taong naiburol na hindi miyembro ng kaparian sa simbahang iyo. At ngayong August 5, ay dadalhin na ang kanyang mga labi sa kanyang huling hantungan sa Manila Memorial Park na kung saan ay nakalagak din ang mga labi ng kanyang asawa na si dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr.

Image from The Buzz, TV Patrol and www.ABS-CBNNow.com

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles