Thursday, July 30, 2009

SI GERALD ANDERSON AY SI “TIAGONG AKYAT”!

Bookmark and Share



Tinaguriang isa sa mga Primetime Princes ng ABS-CBN at isa sa mga pinaka-epektibong young actor ngayon, makaka-harap na ni Gerald Anderson ang kanyang kauna-unahang first title role sa action/adventure genre sa kanyang pagbibigay buhay sa isang karakter na nagmarka sa kasaysayan ng Philippine entertainment, si Tiagong Akyat. Ito rin ang unang kwentong handog ng “Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla” sa ABS-CBN na magsisimula na sa August 15.

Mula sa pagiging “crush ng Bayan” sa first teen edition ng Pinoy Big Brother noong 2006 hanggang sa maging isa sa pinaka-magaling na actor ng kanyang henerasyon, talaga namang masasbi na pinaghirapan ni Gerald ang tinatamo niya ngayon sa kanyang napiling karera at napatunayan na rin nito ang kanyang halaga sa mundo ng showbiz. Ang pagganap niya bilang JR sa ‘di mapantayang serye ngayon sa primetime, ang Tayong Dalawa, ay nagpapakita ng kanyang husay sa kanyang larangan ng pag-arte.

Sa kanyang pagsabak sa kanyang pinaka-bagong proyekto, tiyak na ibang klaseng Gerlad ang matutunghayan ng mga manonood. Gagampanan ang role ni Tiagong Akyat, pabibilibin ni Gerald ang bawat taga-subaybay sa oras na ipakita niya na ang kanyang Parkour moves, isang athletic discipline at art of movement na ginawa rin ng mga artista sa Hollywood. Sumailalim si Gerald sa isang extensive Parkour training para mas lalong maging epektibo pa ang kanyang pagbibigay buhay sa karakter.

“Mahirap pero masaya. Bagong learning rin kasi ito for me. The training will definitely help me not only with this project. Perhaps sa iba ko ring gagawin pa.” pahayag ni Gerald. “Kakaiba talaga character ko dito. More on action din kasi. Ibang Gerald Anderson ang makikita ng mga manonood.”

Sa ilalim ng direksyon ni Dondon Santos, iikot ang istorya sa karakter ni Santiago Ronquillo (Gerald Anderson) na sa oras na tanggapin ang agimat na Pangil ng Kidlat mula sa nakilalang matandang preso ay magbabago ang kanyang buhay. Gagamitin niya ang kanyang kakaibang lakas para matulungan ang mahihirap sa pamamagitan ng pagnanakaw. At doon na magsisimula ang thrilling adventures ni Tiagong Akyat.
Humanda nang matangay sa lakas na taglay ni Tiagong Akyat sa Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla, Ipapalabas na simula Agosto 15 , tuwing Sabado, sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com or http://agimattv.multiply.com.

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles