Tuesday, June 16, 2009

"THE WEDDING" NI ANNE CURTIS, TULOY NA TULOY NA!

Bookmark and Share


Simula June 29, nagbabalik ang nag-iisang Dyosa ng telebisyon na si Anne Curtis sa Primetime Bida ng ABS-CBN sa romance-light drama na "The Wedding", kasama sina Zanjoe Marudo at Derek Ramsay. Kasama ang mga respetadong director na sina Jeff Jeturian at Mae Cruz, bubuuin ng "The Wedding" ,na isang orihinal na istorya na may sense of humor ang Primetime Bida experience.

Si Anne ay gaganap bilang si Candice De Menes, isang mapagmahal na anak na gagawin ang lahat para mapigilan ang paghihiwalay ng kanyang mga magulang. Sa kanyang pagtatangkang isalba ang relasyon ng mga ito, pagpaplanuhan niya ang kanyang engangement kay Marlon (Zanjoe Marudo), isang mahirap na engineer na nagtatrabaho para sa kanyang tatay.

Ang unang plano ni Candice ay mauuwi sa isang tunay na whirlwind romance na hahantong sa paghahanda para sa totoong kasal para mapatunayan na tunay na pag-ibig na kanilang natagpuan.

Ngunit paano kung ang una at dakilang pag-big ni Candice na si Warren (Derek Ramsay), ang matagal niyang hinintay na si Mr. Right ay magbalik para bawiin siya?

Anu ang mas pipiliin ni Candice -- ang pag-ibig na karapatdapat ipaglaban o ang pag-ibig na matagal nang hinintay?

Ang “The Wedding,” isang orihinal na istorya na may sense of humor at bagong kwento ng pag-ibig ay handang-handa nang baguhin ang Primetime TV. Kinatatampukan din ito ng ilan sa mga makikinang na bituin na sina Eula Valdez, Michael De Mesa, Alwyn Uytingco, Mich Dulce, at Irma Adlawan.

Ma-in love sa “The Wedding” sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa June 29.

For more updates mag log in na sa www.ABS-CBN.com at TeamKapamilya.multiply.com.


Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles