Tuesday, June 2, 2009

JUDAY AT RYAN, MAGBABALIK-TAMBALAN SA “GEORGE AND CECIL”

Bookmark and Share


Paano kung sa buhay mag-asawa si Misis ang matapang at astigin, at si Mister ang tahimik at sensitive?

Babaliktad ang mundo mo simula Linggo (June 14) sa pag-uumpisa ng naiibang romantic comedy series na pagbibidahan ng real-life couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo— ang “George and Cecil.”

Matapos ang matagal na panahon, muli ngang magtatambal ang dalawa sa telebisyon para maghatid ng naiibang drama na may kahalong kwela’t kilig sa mga manonood sa panulat at direksyon ng batikang direktor na si Jose Javier Reyes.

Kasama sa mga bumubuo ng cast ang mga respetadong artistang sina Tessie Tomas, Al Tantay, Malou De Guzman, at kilalang kontrabidang si Gladys Reyes na huling nakasama ni Juday sa 90s hit teleseryeng “Mara Clara.” Kabilang din sina Dimples Romana, Christopher Roxas, Dino Imperial, Archie Alemania, Dionne Monsanto, Enriquez Gil, Ynna Asistio, Adrian Solomon at “Pinoy Fear Factor” participantes Manuel Chua at Jommy Teotico.

Sundan ang pagsasama sa iisang bubong ng pulis na si Georgina “George” Castro (Judy Ann) at high school teacher na si Cecilio “Cecil” Murillo (Ryan) at tunghayan kung paano nila kakaharapin ang panibago nilang buhay lalo pa’t taliwas sa nakasanayan ang mga papel na kanilang ginagampanan.

Sasabayan pa ito ng kanilang makulit na pamilya na lalo pang magpapagulo sa kanilang sitwasyon.

Pagdating sa buhay mag-asawa, sino nga ba ang masusunod sa mahahalagang desisyon sa bahay at sa pamilya? Si lalaki ba o si babae?

Huwag na huwag palalampasin ang pagsisimula ng “George and Cecil” sa Linggo (June 14) sa ABS-CBN.

For more updates visit www.ABS-CBN.com.

Subscribe to RSSPhotobucket

1 comment:

Languages Internationale said...

Youve got some cool stuff going on around here!

Keep it up!

Would you call me rude if I ask for Exchange Link?

(fingers crossed)

=)

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles