Tuesday, May 26, 2009

Hayden Kho sex scandal update: Vicky Belo breaks her silence, Irene Kho defends his son

Bookmark and Share


Matapos ang matagal niyang patatahimik ay humarap na rin sa media si Dr. Vicky Belo mula sa pagkakasangkot niya sex scandal na kinasasangkutan ni Hayden Kho at Katrina Halili. Ayon kay Belo ay may aral na matututunan sa naganap na insidente at patungkol ito sa mga babaeng naugnay kay Hayden Kho “… For women to realize that they should be careful and for women to realize that if somebody has a girl friend they should not go in there and try to steal him” ito ang matapang na sagot ni Vicky Belo sa media. Ayon kay Attorney Abel Tamano, lawyer ni Belo na pipilitin nilang hanapin ang pinagmulan ng pagkalat ng mga videos at pananagutin nila ito. Ayon sa mga anak ni Vicky Belo na sila Christalle at Quark Henares ay patuloy ang kanilang suporta sa kanilang ina at hindi nila ito iiwan lalo na sa eskandalong kinasasangkutan nito.


Sa kabila naman ay galit na galit na humarap sa media ang ina ni Hayden Kho na si Irene Kho upang depensahan ang kanyang anak, ayon sa kanya ay tinulak ni Katrina Halili ang kanyang anak na si Hayden na gumamit ng drugs at binatikos niya ito sa paglabas sa media na parang umaarte lamang at scripted ang mga sinasabi pati na rin ang pag iyak nito. Kasama rin sina Senator Bong Revilla at Lolit Solis sa pinagsabihan niya ng kanyang sama ng loob. “Nasasaktan po ako sa inyong kagalang galang na Senator Ramon Revilla na kung bakit pati ako dinadamay mo dito” ito ang galit na galit na statement ni Irene patungkol sa mga sinabi niya sa kanyang mga anak. Habang kay Lolot Solis naman ay sinabi ni Irene na siya ang nag script ng kung anong dapat gawin ni Katrina sa harap ng media.

Sinagot naman ni Senator Bong Revilla na kung saan nakikisimpatya siya sa dinadanas ni Irene Kho ina ni Hayden pero may mga biktimang dapat bigyan ng hustisya at ayon din sa kanya ah hindi idinawit si Irene Kho sa problemang kinasangkutan ng ina. Habang ikinatutuwa naman ni Lolit Solis ang paglabas ng ina ni Hayden, ayon sa kanya huwag i-side track ang tunay na issue na kung saan si Hayden ay kumuha ng video at tinanggap niya ito. Kasama na rin sa statement ni Lolit ay ang impormasyong tumatanggap pa rin si Hayden ng 300, 000 pesos per month mula kay Vicky Belo, at may condo ito sa Fort Bonifacio na kung saan paano maaafford nito ni Hayden kung noon December pa ay wala na itong trabaho.

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles