Tuesday, May 26, 2009
A(H1N1) Update: 2 Pinoys recovering, DOH looks for 50 close contact to the 2 Taiwanese, and precautionary actions implemented to schools
Nasa recovery stage na ang dalawang Filipino na infected ng A(H1N1) virus na kung saan na quarantine na last week, ang una ay isang 10 year old na batang babae at ang pangalawa ay 50 years old na babae, parehong nanggaling sa ibang bansa at umuwi sa Pilipinas. Isang test na lang ang kailangan nilang gawin at pwede na rin sila ma discharge mula sa pagka-quarantine nila mula sa hindi tinutukoy na ospital. Habang mayroong 10 possible cases ng A(H1N1) ang binabantayan ngayon ng DOH na naka-quarantine at para ma obserahan.
Habang pinaghahanap na ng Department of Health ang 50 pissible close contact ng dalawang Taiwanese na kung saan nanggaling sa Pilipinas mula sa isang yoga event at pagkauwi nila sa Taiwan ay doon sila nakitaan ng sintomas ng virus na ito. Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III ay maaaring nakuha na ito ng dalawang Taiwanese mula sa kanilang bansa bago pa sila dumating sa Pilipinas, o maaring hindi sa Yoga Event ito nakuha kundi sa isang kasalan na pinuntahan nito sa Zambales. At nagpakita ng concern ang DOH sa hindi maayos na proseso ng screening procedure na pinagdaanan ng mga US soldiers na dumating para sa balikatan exercise, hiniling ng DOH na padaanin ang US forces sa thermal scanning at mag-fill up ng health checklist sa pagpasok nila sa bansa.
Ngayong papalapit na ang pasukan mas pinaghigpit ng Department of Education ang kampanya nila kontra sa pagkalat ng A(H1N1). Naglabas sila ng memorandum na kung saan naglalayong gawing habit ng mga guro at mga magulang sa wastong paghuhugas ng kamay ng mga estudyante. Kasama na rin sa memorandum ang preventive alert system na kung saan una ay nirerequire ng Dept Ed ang mandatory early morning inspection ng mga students para malaman kung mayroon possible A(H1N1) case sa school at gayon din hinihikayat ang mga kapwa students na maging observant sa mga guro at kaklase nila para kung sakaling may cases ng infection ay maireport agad at para mapauwi ang student para makapag-quarantine ito sa loob ng 14 days. Ayon din sa Dept. Ed ay mag uunder go ng home schooling ang isang estudyanteng naka-quarantine ay iproprovide ng home study lessons para hindi nila mamiss ang pinag aaralan nila sa eskwelahan. Ang tanging pakiusap lamang ng DOH at Dept Ed sa mga estudyante, guro, at mga lahat ng tao ay maging vigilant sa pag-iingat sa sakit na ito.
No comments:
Post a Comment