Tuesday, April 14, 2009

CRISTINE REYES AND SANTINO CROSS PATHS IN MAY BUKAS PA

Bookmark and Share




Patuloy ang May Bukas Pa sa pagbibigay nakaka-inspire na kuwento gabi-gabi. At ang pagganap ng mga sikat na celebrities every week. Nariyan sina John Estrada, Claudine Barretto, Gabby Concepcion, Dante Rivero. At ngayon, si Cristine Reyes naman ang makakasama ni Santino.

Naglabasan na nga sa iba’t ibang pahayagan na ang ultimate crush nitong si Santino (Zaijian Jaranilla) ay walang iba kung hindi si Cristine Reyes. At ngayo’y magkaka-eksena na sila, tuwang-tuwa naman si Cristine na maka-trabaho ang ‘miracle boy’. “Nakakatuwa kasi siya. Kasi marami siyang fans na napapasaya.”

“Sobrang saya kasi siyempre sino ba naman ang hindi matutuwa na makasama sa top rating show na May Bukas Pa?”, nang kunan ng pahayag tungkol sa pagkakaroon niya ng special participation sa nasabing toprating serye.

Bibigyang buhay ni Cristine ang karakter ni Cheska, isang babaeng sumubok na lumayas ng kanilang tahanan para mapalayo sa kanyang ina na gagampanan naman ni Glenda Garcia.

Papaano babaguhin ni Santino ang buhay ni Cristine sa May Bukas Pa? Abangan at wag palampasin ang bawat episode ng nangungunang teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang May Bukas Pa, weeknights pagkatapos ng TV Patrol.

Para sa karagdagang updates at impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com.

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles