Wednesday, April 22, 2009
Charter Change na naman?
Habang papalapit ang 2010 mas gumugulo ang usapan pagdating sa Charter Change o Cha-Cha dahil kung noon kibitz balikat lang o in-denial ang MalacaƱang o si President Gloria Macapagal Arroyo pati ang mga anak nito sa kongreso maaalala natin na ayon sa kanila hindi sila ang may kagustuhang magkaroon ng charter change kundi ang mga tagasuporta ni PGMA. Pero ngayon taliwas na ang nangyayari na kung saan tulad ng instant noodles gusto ni National Security Adviser Norberto Gonzales na dumaan sa mahabang proseso na mula sa kongreso ay aakyat ito sa senado at pagdedebatehan pa, ay gusto niyang magbuo ng maliit na commission na magbabago ng saligang batas na katulad ng ginawa noong panahon ni Corazon Aquino na Constitution Commision. Ayon kay Gonzales ang “beauty” nito ay less discussion at mas mabilis mababago ang saligang batas ng bansa.
Ang Sa Wari Ko: Para sa isang ordinaryong taong kagaya ko ano maitutulong ng pagsusulong ng Charter Change sa panahon ng crisis? At bakit pilit ito isinusulong na parang instant noodles na in 3 minutes ay luto na at handa nang kainin. Kung papansinin natin hung nagkikibit balikat ang pangulo e bakit kaliwa’t kanan ng kanyang mga kabinete o supporters ang nagsusulong nito kung sa una pa lang ay hindi naman niya gusting mapalawig ang kanyang termino di ba kung maaalala natin ay mag step down siya sa 2010 pagkatapos ng termino? Kaya bakit kating kati ang mga alipores niya na isulong ito? Cha cha na naman, hindi na ba kayo napapagod at nagsasawa sa sayaw ng “self gain” kung lantaran namang hindi ito priority ng bansa sa panahon ngayon? Sana naman huwag pagsamantalahan ang mga kababayang priority ang kumakalam ang sikmura at nahihilo sa paghahanap ng panibagong trabaho.
No comments:
Post a Comment